CHAPTER 38

5.4K 230 89
                                    

Tahimik ang paligid.

Malayo na din ako sa venue dahil hindi ko na naririnig ang musika na nanggagaling doon.

Tumayo ako at wala sa sariling naglakad papunta sa harapan ng lake. Tutal ay ako lang naman mag-isa dito at walang nakakarinig ay susulitin ko na at ilalabas ko na dito ang lahat ng sakit. Para mamaya ay gumaan na ang pakiramdam ko.

"TANGINA! WALA AKONG MAALALA! PERO TANGINA! ANG SAKIT-SAKIT!" Malakas na sigaw ko habang umiiyak.  Buti na lang at waterproof itong make-up ko. "TANGINA! M-MASAKIT NA DITO, OH!" Sigaw ko habang tinuro-turo ang dibdib ko. "M-masakit na. P-pero tangina, wala pa rin akong maalala! HINDI PA RIN BUMABALIK ANG LAHAT NG MGA ALAALA KO! PARA AKONG TANGA NA TUMUTUNGANGA LANG AT NAKIKINIG SA KANILA, HABANG WALA AKONG KAALAM-ALAM!" Napahagulhol ako sa paninikip ng dibdib ko. "Ang s-sakit! S-sobra! Wala akong m-maalala, pero tangina, bakit ganito kasakit? BAKIT?!" Napahagulhol na naman ako at napaluhod sa damuhan.

Tangina, mapapaos ata ako neto eh.

Habang inaalala ko kung paano tumingin ang mga anak ko sa ama nila habang tumatawa kasama ang bagong pamilya nito. Habang inaalala ko kung paano kausapin ni Alastair ang ama niya kanina. Habang inaalala ko na, siya  ay masaya na kasama ang iba, habang kami ay nahihirapan pa ring makawala sa nakaraan, dahil sa hindi pa rin bumabalik ng tuluyan ang mga alaala ko. Habang iniisip ko ang lahat ng iyon ay naninikip ang dibdib ko. Hindi para sa akin kundi para sa mga anak ko.

Kahit nakapoker-face lang sila at ngumingiti, kita ko at ramdam ko ang inggit nila sa mga batang nakikita nilang buo ang pamilya. Ramdam ko ang pangungulila nila at paghahanap nila ng kalinga sa sarili nilang ama. Pero anong magagawa ko? Okay sana kung ako lang iyong naghihirap pero, hindi eh. Pati ang mga anak ko ay nasasaktan na din. Nadadamay na.

"T-tangina, ang hirap. Ang hirap masaktan." Nanghihinang sambit ko habang walang tigil pa rin ang pag-agos ng mga luha sa pisngi ko.

"Faye?"

Napaangat ako agad ng tingin at nilingon ang kung sino mang tumawag sa akin.

Sa medyo hindi kalayuan ay may naaninag akong pamilyar na bulto ng lalaki.

"J-Jake?" Pangungumpira ko.

Nang makita na niya ako ng tuluyan ay mabilis niya akong nilapitan at dinaluhan.

"What happened, Faye? Bakit ka umiiyak? Bakit ka nandito? You're supposed to be inside. It's cold here." Sunod-sunod niyang salita pero masyado na akong nanghihina at wala nang lakas pa para sagutin siya.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na hinubad niya ang coat niya at isinuot sa akin.

"Are you okay---"

"No." Mabilis kong sagot at hindi na siya hinayaan pang tapusin ang sasabihin niya dapat.

Nilingon ko siya at nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala habang pinapasadahan niya ako ng tingin.

"I'm not okay." Sagot ko sa kanya at napaangat naman ang tingin niya sa akin. Nanlalabong mga mata ko siyang tiningnan. "I-I'm not okay." Naramdaman ko na namang sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.

"F-Faye..." Sambit niya.

Umiling ako sa kanya. "I'm not okay, Jake. I--I'm broken. I'm in pain. I'm hurting. I'm...I'm dying." Sunod-sunod kong sabi.

Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya at parang madali lang para sa akin na magsabi ng problema ko sa kanya. Siguro dahil may pinagsamahan din kami noon na ngayon ay hindi ko na maalala.

"I-I think I'm dying, dahil a-ang sakit-sakit na. Ang sakit-sakit dito, oh." Turo ko pa sa dibdib ko.

Niyakap niya ako at inalo. Napahagulhol na lang ako sa dibdib niya at doon umiyak. Nakaluhod din kasi siya sa tabi ko.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now