Hindi talaga umuwi si Mia kagabi.
Triny na siyang contact-in ni Howell, pero unattended o di kaya'y out of reach.
Ewan. Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Nararamdaman ko kasing may hindi magandang mangyayari na naman.
At sa pangyayaring 'yun, alam kong ako na naman ang dehado. Ako na naman ang iiyak. Ako na naman ang masasaktan.
Kahit anong gawin kong paghahanda sa sarili ko, alam kong masasaktan at masasaktan pa rin ako.
Simula pa kagabi ay nagsasalita si Howell mga bagay na hindi ko maintindihan. Parang may isang bagay akong nagawa, na hindi ko naman alam kung ano. Tinatanong ko siya pero ayaw naman niya akong kausapin.
Sinisisi niya din ako sa hindi pagdating ni Mia kagabi. Hindi siya pumasok sa trabaho ngayon dahil sa sobrang kalasingan. Pinilit ko siyang gisingin pero sinigawan niya lang ako.
Ngayon ay nagluluto ako ng lugaw para sa hangover niya. Sigurado akong sasakit na naman ang ulo nun mamaya. Hindi na nadadala.
Inihanda ko na ang lugaw, gamot sa sakit ng ulo, tubig at saging. Baka kasi mapait ang panlasa niya dahil sa maraming alak ang ininum niya. Inilagay ko na iyon sa tray at umakyat na sa kwarto ni Howell.
Kumatok muna ako bago pumasok. Pagkapasok ko ay sobrang dilim! Kinapa ko ang ilaw at binuksan. Tumambad sa akin ang magulong kama at mga kalat na bote ng alak at may mga ilan pa na natapon.
Inilagay ko muna sa side table ang tray at lilinisin na sana ang kalat nang bigla siyang magsalita.
"Get out." Malamig niyang utos habang nakadapa pa rin sa kama.
"Howell, kumain ka na muna. Sasakit na nam---"
"I SAID GET THE FUCKING OUT OF HERE!" Sobrang lakas ng boses niya na feeling ko ay abot hanggang labas ng village. Sabayan pa ng mga matatalim niyang tingin sa akin.
Nakabangon na siya at nakaupo sa kama.
Nakakatakot ang mga titig niya. Napaatras ako at mapalunok.
"H-howell. N-nag-aalala---"
"WALA AKONG PAKEALAM SA 'YO! GET OUT!"
Hindi na ako nagpumilit pa at dali-daling lumabas ng kwarto.
Naiiyak na naman ako. Pero alam kong pinili ko 'to kaya titiisin ko. Tatlong buwan nalang naman. Konting pagtitiis na lang.
Pumunta ako sa kwarto para kunin ang pera at wallet ko pati ang cardigan ko. Nanghihina akong lumabas ng bahay at naglakad-lakad hanggang sa makarating ako sa mini park ng village.
Umupo ako sa benches.
Walang tao sa park at tanging simoy lang ng hangin at mga nagsasayawang dahon ang tanging maririnig.
Sa tingin ko ay dito ako dinala ng mga paa ko para makapag-isip-isip muna.
Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang phone number niya.
Siya lang ang makakaayos nito.
Akala ko ay hindi niya sasagutin pero laking gulat ko ng biglang may magsalita sa kabilang linya.
"Hello." Maarteng sagot niya.
"Mia!" Oo. Siya ang tinawagan ko. Hindi ko kasi kayang makita si Howell na nahihirapan ng matagal. Mas doble ang sakit nun para sa akin.
"Oh. My lovely bestfriend slash the martyr wife of my boyfriend. Why did you call, my dear Faye?" May panunuya sa boses niya.
Ito ang una kong beses na nakausap ko ulit siya sa telepono at tinawagan. Nung nagkita kasi kami ulit simula nang umalis siya sa papuntang states ay nagseselos ako sa kanya at aaminin kong may kunting galit ako sa kanya dahil sa paglapit niya kay Howell kahit alam niyang mag-asawa na kami.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :