Kinabukasan ay nagising ako na wala na si Howell sa tabi ko. Siguro nauna na siyang magising sa 'kin.
Nang tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader ng kwarto ay nakita kong 9:40 am na pala. Ramdam ko parin ang pananakit ng katawan ko pero hindi na katulad kahapon na halos hindi na ako makagalaw. Medyo ayos-ayos na rin pero andoon pa rin 'yung pangangalay ko.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay bumaba na ako at dumeritso sa kusina sa pag-aakalang andoon sila at tanging Kayla lang ang nakita ko doon.
"Oh Mis- ah Faye. Gising ka na pala. Aakyatin na sana kita eh para ayain ng kumain. Nasa garden sina Senyorito kasama ang mga bata at sina Manang."
"Ah sige."
"Tara na."
Nauna siyang maglakad habang nakasunod lang ako sa kanya. Nang makarating kaming sa garden na nasa labas ng kaliwang bahagi ng bahay ay nakita ko ang mga bata na nagkukulitan habang si Howell naman ay may kinukulikot sa laptop niya, sina Manang naman kasama ang mga apo ay hinahanda ang pagkain sa mesa.
"Good morning, mommy!" Si Alastair ang unang nakapansin sa pagdating ko at nakuha ng pagsigaw niya ang atensyon ng ibang nandito.
"Good morning, babies." Binati ko ang mga anak ko isa-isa at hinalikan sa noo. "Good morning din po, Manang."
"Good morning, hija. Oh siya, halina ka na at kumain na. Tapos nang kumain sina senyorito at ang mga bata, ikaw na lang ang hindi pa."
Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil doon. "Pasensya na po, Manang ah. Nanakit po kasi ang buong katawan ko kahapon kaya ayun napasarap ang tulog." Awkward pa akong tumawa para maibsan ang hiya na nararamdaman ko.
Speaking of sakit...
Napatingin ako kay Howell na abala pa rin sa ginagawa niya at parang wala ako sa sariling mabilis na lumapit sa kanya upang tignan kung may sakit pa ba siya. Gulat siyang napatingin sa akin nang ipatong ko ang likod ng kamay ko sa noo at leeg niya para damhin kung mainit pa ba siya.
"Hindi ka na masyadong mainit pero may sinat ka pa rin. Hindi na ba masama ang pakiramdaman mo? Uminom ka na ba ng gamot?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Nakatulala lang siya sa akin na parang ewan.
"Ouy."
"H-huh?"
"Tinatanong kita kung masama pa ba ang pakiramdam mo?"
Tila natauhan siya at bahagyang tumikhim. "I'm fine. I'm okay now."
Nakahinga naman ako nang marinig ang sagot niya. "Buti naman. Pero uminom ka pa rin ng gamot, baka kasi bumalik."
"Y-yeah. Thank you."
Tipid na ngiti lang isinukli ko sa kanya bago tumalikod sa at nagpunta na sa mesa para makakain na.
"Nagkasakit ka, hijo?" Nag-aalalang tanong ni Manang.
Malapit lang kasi siya kung saan si Howell kaya baka narinig niya ang pinag-usapan namin.
"I'm okay now, Manang. No need to worry. And besides, F-Faye took care of me last night."
Nagtagpo ang mga tingin namin at nakita ko ang saya at kaginhawaan na dumaan sa mga mata niya. Hindi ko maipagkakailang maagan ang pakiramdam ko. Na kahit hindi man ko pa naman siya tuluyang napapatawad ay civil naman ang tratuhan namin o di kaya ay parang bumalik ang aming tratuhan noong kami'y magkaibigan pa lamang. Hindi man kasing close ng dati, ngunit hindi maipagkakaila na mas ayos na 'to kasya sa walang improvement, diba?
Habang kumakain ay pinanood ko lang ang mga anak kong naglalaro malapit sa daddy nila. Pumupunta pa si Alastair sa akin paminsan-minsan para magpasubo ng kinakain ko kasi nagugutom daw ulit siya. Napailing nalang ako sa kakulitan ng mga anak ko.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Fiksi Remaja[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :