"Aw you Tito-Ninong?"
Napabalik wisyo ako dahil sa inosenteng tanong na iyon ni Agapov na bahagya pang nakangiwi habang pinagmamasdan ang ama nila.
Parang naiiyak ako habang pinanonood sila na nakatingin sa isa't isa. Si Howell na may pananabik at lungkot sa mga mata. Habang ang mga anak ko naman na may pagkalito at pagtatanong sa mukha.
"He'sh not Tito-Ninong." Ani ni Aphelion habang deritsong nakatingin kay Howell. Nakita ko ring napunta sa kanya ang paningin ng ama habang may parang namumuong luha sa mga mata. "Tito-Ninong would alwaysh shmile evewytime he shee ush."
"B-babies." Sambit ni Howell.
Alam ko kung saan na 'to papunta at alam kong pinaglalaruan talaga kami ng pesteng tadhana na yan. Naiiyak ako at parang gusto kong itakbo ang mga anak ko palayo sa kanila. Pero mukha huli na ang lahat. At alam ko ring hindi habambuhay na maitatakbo ko sila pati na ang sarili ko sa katotohanan. Katotohanang matagal ko nang nilimot at tinalikuran pero pilit pa ring bumabalik. Putangina lang.
Tuluyan na akong napaiyak nang bitawan lahat ni Howell ang mga gamit niya at naluluhang tumakbo papunta sa mga anak ko. Niyakap niya agad ito at nagulat pa akong narinig ko siyang humagulhol.
Ang isang Howell ay umiiyak? Sa harapan ko mismo? Nakakatawa lang kasi siya 'yung nagpapaiyak sa akin noon. Pero ngayon ay parang hinang-hina siya habang nakayakap sa mga anak ko. Sa mga anak namin at umiiyak.
"B-babies, I'm s-so sorry. I'm sorry." Patuloy pa rin sa pag-iyak si Howell habang nakayakap sa mga bata.
"Ikaw 'yung twin ni Titong-Ninong, wight?" Tanong ni Agapov pero hindi lang siya pinansin ng ama na patuloy paring umiiyak hanggang ngayon. "Why awe you cwying? People only cwy when they awe shad. Awe you shad?"
Nakita kong tumango si Howell bago naiiyak na humiwalay sa mga anak habang may malungkot na ngiti sa mukha. "Y-Yes, I'm sad but at the same time I'm happy, babies. I'm happy to finally meet you. I-I'm happy."
Tahimik lamang akong lumuluha habang nakatingin sa kanila.
"Thish ish not ouw fiwst time we meet. Thish ish ouw second time. We met at the pawty...uhm... a many daysh ago!" Masiglang ani ni Agapov.
"Yeah. But it wasn't an ideal timing at that time."
"It wash."
Nagulat ako nang marinig ko ang malamig na boses ni Aphelion. Deritso pa rin siyang nakatingin sa kanyang ama.
Sa kanilang apat na magkakapatid ay si Aphelion ang pinakamahirap paamuhin at masungit. Siya ang mas parang matured na kung kumilos, magsalita at mag-isip. Sabi ng doktor ay normal lang naman daw talaga na magkaiba ang mga ugali nila. They share the same face but not the same characteristics and hobbies. It's not abnormal, it's only normal. Kasi kahit naman magkadugo, magkamukha, o magkakambal pa man yan, may maiiba at may maiiba talaga.
"It wash a gweat timing. You jusht made it look like it'sh not." Seryosong ani niya pa.
"Ikaw ba ang totoong daddy namin, Mishter?" Malamig na tanong din ni Alastair.
Alam kong may idea na sila kung sino ang ama nila pero kung makapagtanong sila ngayon ay parang sigurado na talaga sila na ang lalaking kaharap nila ang ama nila. Parang nanghihingi na lang sila ng confirmation.
Nakangiting tumango si Howell na patuloy pa rin sa pag-iyak. "Y-yes, bud. I'm your father. Biological father."
"You'we awe weally ouw, pappy?" Medyo napangiwi ako sa tawag ni Agapov sa daddy nila. Para kasing nagmukhang aso. Well demonyo naman talaga yan kaya mukha aso talaga. Pero masyadong maganda ang mukha ng aso para sa kanya.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Roman pour Adolescents[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :