May patay ba? Ang tahimik kasi eh.
Huh? Ano daw? Bakit?
Ay ewan!
Andito kami ngayon sa isang coffee shop na nasa tapat lang ng building ng demonyo.
Nang matapos kasi ang pag-uusap nila ng mga bata kanina ay nagyaya siya sa akin kung pwede bang mag-usap kami na kaming dalawa lang. Hindi sa pagiging marupok pero dahil marupok talaga ako, pumayag ako. Chour.
Kasama din naman namin ang mga bata kaso ay nasa ibang mesa sila with their nanny. I told them that me and their dad need to talk and they were like...
"Okay, pewo buy niyo kami ng chocoweyt."
Sino ba pa? Edi ang Agapov niyong parang si Einstein. Chour.
Tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon. Kanina pa kasi kami dito. Nakapag-order na't lahat hanggang sa dumating na din ang mga orders namin pati ang sa mga bata ay hindi pa rin siya nagsasalita.
"Anong pag-uusapan natin, sir."
Nag-angat siya ng tingin sa akin at ayon na naman 'yung malamlam niyang mga tingin na bihira ko lang makita pero espesyal para sa akin. Iyan 'yung mga tingin na hindi ko nakita sa kanya ni minsan noong mga panahong magkasama pa kami.
Nag-iwas ako ng tingin dahil feeling ko maiiyak na naman ako.
"I...I'm...I...T-thank you." Nauutal niyang sambit.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya nang marinig ko ang sinabi niya. Sumandal ako sa sandalan ng upuan at pinagkrus ang mga braso sa dibdib ko habang matamang nakatingin sa kanya.
"Thank you for what?"
"Thank you for letting me see the children. S-salamat din, d-dahil pinakilala mo 'ko sa kanila bilang tunay na ama nila." Marahan niyang sabi.
Sarkastiko akong napangisi sa sinabi niya. "First of all, Mr. Idelson. Hindi ko ginusto ang nangyari. Sa totoo lang, ayaw kong makita ka ng mga bata. Ayaw kong makilala ka nila bilang tunay na ama nila. Dahil una sa lahat, hindi ka nagpaka-tatay sa kanila habang nasa sinapupunan ko pa sila. Ang kaso, madaya si Tadhana at gusto niya talagang makilala ka ng mga anak ko. Wala naman akong choice. Hindi naman ako madamot. Alangan namang itabok ko sila kanina, diba?" Sarkastiko kong sabi.
"Still... Thank you. A-and I'm sorry."
Ayan naman yang lintik na SORRY na yan!
"Sorry for what? For what exactly, Howell?" Nagsisimula nang manubig ang mga mata ko.
"For everything. Sorry for everything, Faye." It was almost a whisper but I heard it clear.
"Hanggang sorry ka na lang ba? Pwede bang panindigan mo din?" Para na akong nagmamakaawa sa tono ko pero wala na akong pakealam.
I'm not a complicated woman. I don't do that playing hard-to-get as long as I could see that he is sincere. But how could I see that he is sincere when he did nothing but just saying "I'm sorry" again and again. Nakakasawa din, diba? Palagi mong naririnig ang sorry niya pero wala kang nakikitang effort na ginagawa niya para mapatunayan na sincere talaga siya sa paghingi ng tawad.
It's not all about the words coming from your mouth. It's all about sincerity and effort. Kahit hindi na sa akin, kahit sa mga bata na lang. Kahit sa mga anak na lang niya.
"Wala na akong pakealam sa sorry mo, Mr. Idelson. Ibigay mo na lang sa mga bata ang sorry mo kasi wala naman ng magbabago kahit makailang sorry ka pa eh. Hindi na maibabalik ang nakaraan. Hindi na maibabalik ng sorry mo ang mga luhang iniyak ko ng mga panahong sinasaktan mo 'ko noon. Hindi na maibabalik ng sorry mo ang mga oras na nasayang ko na dapat sana ay ibinigay ko na lang sa sarili ko. Walang ng magagawa ang sorry mo. Sayo na yan. Isaksak mo sa baga mo." Walang preno kong sabi. Bahala siya. Ngayon lang ako magsalita kaya lulubos-lubusin ko na.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :