CHAPTER 63

3.2K 98 26
                                    

WARNING: Medyo RAWR ang chapter na 'to.

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng pool sa likod bahay habang hinihintay ang aking asawang si Howell na umuwi. Dalawang araw na kasi siyang hindi umuuwi at wala din akong natanggap na texts or tawag mula sa kanya kaya nag-aalala talaga ako.

Hindi na bago sa akin na hindi siya umuuwi ng bahay katulad na lamang ngayon. Sa halos tatlong buwan naming pagsasama sa iisang bahay hindi na bilang magkaibigan kundi bilang mag-asawa ay ramdam ko talaga ang lamig at kakaibang pakikitungo sa akin ni Howell. Para bang napipilitan lang talaga siyang pakisamahan ako. Parang diring-diri siya sa akin.

Ngayon ay parang may kakaibang mangyayari. Hindi ako mapakali at hindi ko makalma ang aking sarili kahit anong gawin ko. Ngayon pa sa kaalamang dalawang araw ng wala ang asawa ko dito sa bahay.

Tahimik lang akong nakatulala sa kawalan habang nakababad ang mga paa ko sa swimming pool, nang bigla may narinig akong pagbukas ng gate at sasakyang pumasok at pumarada sa garahe ng bahay.

Napangiti ako sa isiping si Howell na 'yun. Kilala ko na ang tunog ng sasakyan niya at siguradong-sigurado akong siya na ang dumating.

Dali-dali kong inahon ang nakababad kong mga paa sa pool at isinuot ang tsinelas bago nagmamadaling tumakbo para sumalubong sa asawa ko... sana.

Ngunit kusa akong napatigil at ramdam ko ang pagkawala ng ngiti ko nang makita ang kasama ni Howell na kasalukuyang nakayakap sa kaliwang braso niya habang nagtatawanan sila papasok ng bahay.

Ang saya-saya nila tignan at parang may iba silang mundo. At sa mundong 'yun ay hindi ako kasama.

"M-Mia..." Sambit ko sa pangalan ng matalik kong kaibigan na kasama ngayon ng asawa ko.

Matagal na akong walang contact at balita kay Mia simula 'nung nagtext siya sa akin noong huli na papunta na sila ng States at huwag na daw akong magreply.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now