CHAPTER 82

1.2K 67 14
                                    

"F-Faye..." gulat pa rin na sambit ni Mrs. Idelson habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.

"M-mommy..." mahinang sambit ko pabalik.

"F-Faye?"

Napabaling ako sa kanang sulok ng silid at parang umikot ang paningin ko at parang nabingi ako sa nakita.

Si A-ate at Kuya Michael ay nandito din. Bakas sa mukha ni ate ang pag-iyak habang nakayakap at nakaalalay naman si kuya sa likod nito. Ang hindi ko maintindihan ay kung anong ginagawa nila dito.

B-bakit sila nandito?

Nadisturbo ako mula sa pagkakatulala nang magsalita ang isang nurse at pinapalabas kami habang patuloy na inaasikaso ng ibang doctor at nurses ang nag-aagaw buhay sa kama.

Wala pa rin sa sariling naglakad ako palabas at tulalang nagpatuloy papunta sana sa silid kung saan si papa nang may pumigil sa akin sa braso.

Parang bigla akong napaso at mabilis na lumayo sa kung sino man ang humawak sa akin at nang lingunin ko ito ay nakita ko si ate na mukhang nagulat sa naging pagkilos ko. Nakasunod sa kanya ang asawa at sina Mrs. at Mr. Idelson.

"F-Faye..." sambit niya bago kumurap ng mga ilang beses at nagsalita ulit. "L-let us explain."

Kumurap ako ng ilang beses bago pagak na ngumiti na wala parin sa sarili. "Anong ie-explain niyo?"

"Faye, anak-" bumaling ako kay mommy at pinutol siya sa pagsasalita.

"Anong 'yung nakita ko s-sa loob? B-bakit ganun- bakit parang m-masikip sa dibdib? B-bakit-"

"Faye..."

Pareho kaming napabaling lahat sa taong kakarating lang. Walang iba kundi si Howell na hingal na hingal at gulat ang mukhang nakatingin sa akin.

Akmang magsasalita siya nang may sumigaw ulit habang tumatakbo papunta sa banda namin.

"Mom!"

"Mommy, kamusta ang lagay nila? Ayos na ba sila?" Mukhang hindi ako napansin ng kakarating na sina Hibben at ng kanyang fiancee na si Yuki.

At sakto namang paglabas ng mga doktor at nars.

"Bro, kamusta ang mga kapatid ko?" Mabilis na tanong ni Hibben habang naghahabol parin ng hininga.

Kapatid.

Tama nga ako. Kapatid nila ang nasa loob.

Bobo ka ba, Faye?! Magkamukhang-magkamukha at pareho ang mga magulang. Malamang magkakapatid talaga ang mga yan.

"Tatapatin ko na po kayo. Habang tumatagal ay humihina na ang katawan nila dahil sa mga gamot at aparatus na nakakabit sa kanila. Unfortunately, we can't tell how long will they survive. Pero nakikita kong pilit silang lumalaban at yan nalang ang pinanghahawakan natin sa ngayon. Na lumalaban pa sila kaya hindi dapat natin sila sukuan." Mahabang saad ng doktor.

"Oh please, please do everything to save them, hijo." Pagmamakaawa ni mommy.

"Don't worry, tita I will do my very best to save my best friends. Hindi tayo aabot ng ganito katagal para mapunta lang sa wala."

"Thank y-you, hijo. Thank you so much."

"Salamat, bro."

"No problem tita, Hibben. Besides, it is part of my duty as a doctor."

Matapos ang mahaba-haba nilang usapan ay nagpaalam na ang doctor dahil may mga importante pa daw itong gagawin. At naiwan kaming lahat na nakatayo sa hallway at mabuti nalang walang taong dumadaan.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now