CHAPTER 55

3.9K 134 6
                                    

I am so tired from work!

5:00 pm ang out namin but I got home at almost 6:00 pm. Ang dami kong phinoto copy! Akala ko iyong unang binigay ng demonyo lang ang ico-copy ko, meron pa palang mga tambak na mga dokumento na hindi naasikaso ng huling secretary niya bago 'ko.

Bwesit talaga!

At ang dami pang inuotus. Pabili dito, pabili doon. Daig pa niya ang isang buntis na naglilihi! Buset siya!

Para akong lantang-gulay na pumasok sa penthouse namin.

"Mimi!"

"Momma!"

"Mommy!"

"Mami!"

Napabalik ako sa aking wisyo nang tawagin ako ng mga anak ko. Nang makita nila ako ay sabay silang bumaba sa sofa ng sala at tumakbo papunta sa akin. Napangiti ako sa kakyutan nila. Ang liliit ng mga hakbang nila kaya natawa ako nang madapa pa si Agapov.

Parang mahabang panahon kaming hindi nagkita s amga asta nila.

Lumuhod ako at sinalubong sila ng yakap. Natawa pa ako dahil medyo nakiliti ako dahil sa pagsabay nilang baon sa mga mukha nila sa leeg ko. Pa virgin lang, Faye? Eh bakit ba, may kiliti talaga ako diyan eh. Sarap tuloy kumanta 'nung...

Huwag diyan,

huwag diyan,

may kiliti ako diyan,

huwag diyan...

Ay, ano na bang nangyayari sa akin? Ganito ba talaga pag stress, parang nababaliw? Parang tanga lang, diba?

"Mimi, namissh ka namin! Bakit ngayon ka lang po, it'sh alweady evening." Nakapout na sabi ni Ashford kaya naman napatawa ako at napabaling sa kaniya.

Humiwalay na sila sa akin pero nakahawak parin sila sa damit ko. Parang ayaw talaga nila akong umalis.

"Babies, ganyan talaga pagwork. Evening na makakauwi si mommy lalo na pag-busy at maraming kailangang tapusin. At saka don't worry babies, may day off naman si mommy. Sa day off ni mommy, syempre mommy and babies time natin 'yun." Pagpapaintindi ko sa kanila.

"Mommy, ish youw wowk ish mahiwap? We can help you po pawa po madali mataposh." Hustesyon ng panganay kong si Alastair. "At shaka mommy, we only go to school every mowning. We can help you in the aftewnoon."

Napangiti ako sa kanila. Mahal na mahal ko talaga ang mga anak ko at alam ko at ramdam ko na mahal na mahal din nila ako. Kaya kaya kong gawin ang lahat para mabigyan lang sila ng magandang buhay.

"No babies. Okay lang si mommy and mommy can all do the work. At saka pa babies, bawal kayo sa work ni mommy kasi masyadong maraming tao. Hindi ko din kayo maaasikaso doon eh."

"Pewo, mami..." Nanlulumong ani ni Aphelion.

"Don't worry, babies. Love na love ko pa din kayo 'no. At saka, kahit may work ako ay pipilitin ni mommy na magkatime pa rin tayo sa isa't-isa. Kasi kayo ang strength ni mommy. Okay?" Sabay naman silang tumango pero makikitaan pa rin ng panlulumo ang mga mukha nila.

"Momma, bibili mo po ako ng toysh huh!" Singit naman ni Agapov na syang nagpatawa sa akin.

Kahit kailan talaga 'tong isang 'to. Nagdadrama na kami ng mga kapatid niya pero siya ay iba ang nasa isip. Pero hindi naman ako galit sa kanya. Natutuwa nga ako dahil sa pagkabibo niya.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now