"H-he can't do that! He love me! He love us! A-alam kong hinding-hindi niya magagawa sa amin yang mga sinasabi mo! Sinisira mo lang kami! Maninira ka!" Nakita kong inilagay ni Mia si Massey sa kaniyang likod at akmang susugod kay mommy pero bago yun ay inunahan ko na siya.
Pinigilan ko ang kanyang kamay na nakahanda nang sampalin si mommy at marahas ko na binitawan yun.
"Pati ba naman si mommy, Mia? Sasaktan mo? Wala ka na ba talagang galang?" Mahinahong tanong ko sa kanya.
She laughed sarcastically. "Mommy?" Bumaling siya kay mommy na nasa likod ko na ngayon. "Hinahayaan mo ang babaeng 'to na tawagin kang 'mommy' habang ako hindi?!"
"Bakit, kaano-ano ba kita?" Tanong ni mommy sa kanya.
"I am your future daughter in---" Hindi na siya hinayaang ni mommy na makatapos sa sasabihin niya dahil pinutol agad siya ni mommy.
"Oh, please. Huwag mo ng ulit-ulitin yan dahil nakakarindi sa tenga. Sinasabi mo ang mga bagay na hindi naman mangyayari."
"Bakit? Kaanu-ano mo din ba ang babaeng 'to? Did you forgot that she is already your ex-daughter in law." Tukoy ni Mia sa akin.
Bahagya pa akong napaatras dahil sa nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib dahil sa sinabing iyon ni Mia. Hindi ko alam kung bakit pero parang namatayan ako nang ipamukha na naman sa akin na wala na kami ni Howell. Parang ang sikip sa dibdib na ex-wife na lang ako ng lalaking minahal ko... ng lalaking mahal ko pa.
Tss. Kahit naman ideny ko, alam ko sa sarili ko na may nararamdaman pa rin ako sa demonyong 'yun. At habang tumatagal ang panahon ay mas lalo ko pa siyang minamahal.
Tanga na siguro kung tawagin ang mga tulad kong babae. Pero ano ang magagawa namin? Nagmahal lang naman kami at sa kasamaang palad ay hindi kami minahal pabalik ng minamahal namin.
Masakit, oo. Sobra. Pero ang magagawa nalang namin ay ang tanggapin ang katotohanang hindi lahat ng nagmamahal at minamahal pabalik.
"She is not just my ex-daughter in law. She is also the mother of my grandchildren."
"And how sure are you na si Howell ang totoong ama ng mga anak niya?" Sa sinabing iyon ni Mia ay napabalik ako ng tingin sa kanya galing sa pagkakatulala. "Eh malandi yang babaeng yan!"
Hindi na talaga ako nakapagtimpi ay sinabunutan ko siya sa buhok.
"AAAHHH! WALANG HIYA KANG BABAE KA! GET YOUR DIRTY HANDS OFF ME! BITIWAN MO 'KONG BITCH KA!" Sunod-sunod na sigaw ni Mia pero hindi ko siya pinakinggan, nagpatuloy lang ako sa pagsampal-sampal ko sa kanya ng tudo-tudo at paulit-ulit na sinabunutan ang kanyang buhok. Patuloy lang din siya sa pagtatangkang masabunutan din ako pero hindi ko siya hinahayaang makakuha ng chance na masaktan ako. Hindi na ulit. Tama na yung sakit na pinadama at ginawa niya sa akin noon. Panahon na rin siguro para ipagtanggol at ipaglaban ko na rin ang sarili ko.
Sa bawat sampal at sabunot na ginagawa ko ibinuhos ko lahat ng galit, at sakit na matagal kong kinimkim sa mga matagal na panahon.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang kademonyohan at pagwawalang-hiya na ginawa ng dati kong kaibigan at dati kong asawa sa akin noon. Hinding-hindi ko 'yun makakalimutan at habang buhay ko na 'yung dadalhin.
"AHHHH!"
Patuloy pa rin sa pagtitili na parang inihaw na baboy ang dati kong kaibigan habang patuloy pa rin ako sa pagsabunot at pagsampal sa kanya.
"Wala kang karapatang sabihan ako na malandi dahil una sa lahat hindi ako ang babaeng nang-agaw ng asawa na may asawa na!" Sigaw ko sa kanya.
"We both all know that Howell didn't love you from the start and he married you just because of that fucking dare! Tanggapin mo na Faye na kahit kailan, pumuti man ang mga uwak hinding-hindi ka mamahalin pabalik ni Howell! HINDING-HINDI KA NIYA MAMAHALIN! AAAHHH!" Sigaw niya habang lumalaban pa rin sa akin.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :