Kinabukasan ay maaga pa lang ay nagising na ako. Tiningnan ko si Howell na malalim pa rin ang tulog.
Gumising ako ng maaga dahil ayaw kong makitang mugto ang mga mata ko.
Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis. Hinanda ko na ang susuotin ni Howell at naglagay na ako ng gagamitin niyang tuwalya para sa pagligo niya.
Pagkatapos kong ipaghanda siya ng gagamitin ay lumabas na ako ng kwarto namin para bumaba at ipaghanda siya ng makakain at baon.
Nagluto ako ng sinigang na baboy. Feeling ko kasi kailangan kong uminom ng sabaw pampagaan ng nararamdaman. Ganun ba yun? Wala lang, may masabe lang. Chour.
Nakarinig na ako ng mga yabag pababa sa hagdan at saktong-sakto naman na pababa na siya. Inihanda ko na ang pinggan niya.
Ng mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakaramdam ako ng pait. Pero hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang paghahanda ng makakain niya.
Ayaw kong magsalita dahil parang may bumabara sa lalamunan ko. Dahil sa tuwing naririnig ko ang boses niya ay naalala ko kung paano niya kausapin si Mia kagabi. Sobrang lambing at tamis. Sa sobrang tamis ay pwede na silang langgamin.
Sana langgamin nga sila! Yung mikropono ni Howell sa gitna at ang kweba ni Mia sana ang pasukin ng mga langgam! Iyong malalaki at pula na langgam! Tapos may titanus! Para lumubo ng tudo ang mga pinakaiingatan nila! Bwesit!
Pero syempre joke lang!
Tahimik lang akong pinapatuyo ang buhok niya. Ayaw ko na namang magsalita. Nawalan na ako ng ganang kausapin siya.
Habang inaayos ko ang necktie niya ay ramdam ko ang mga titig niya. Pero hindi ko na tinangkang tignan pa siya sa mukha. Pagkatapos ko siyang asikasuhin ay umalis na ako sa harap niya at pinagsalin siya ng juice.
Pagkatapos ay umalis na ako ng walang paalam at maglalakad na sana palabas ng dining area ng bigla siyang nagsalita.
"Where are you going?"
Tumigil ako pero hindi na siya tiningnan pa.
"Sa impyerno." Mahinang sagot ko pero alam kong narinig na niya iyon.
Wala akong pakialam kung magalit siya kasi ako, napupuno na din ako sa kanya. Nakakapagod ding intindihin siya.
Pumunta ako sa kwarto namin at kumuha ng damit para maligo. Nang akmang papasok na sana ako sa banyo ng bigla marahas na bumukas ang pinto ng kwarto at inuluwa dun ang right hand ng demonyo na sobrang dilim ang mukha na nakatingin sa akin.
Nakabawi naman ako agad sa bigla at tiningnan siya na may pagtatanong.
"What did you say?" Nanggigil niyang tuno.
"Sabi ko, sa impyerno ako pupun---" nabitin sa ere ang sasabihin ko ng bigla niya akong sakalin.
Nakabukas na ang pinto ng banyo kaya naman napaderitso ako sa loob at malakas na tumama ang likod ko sa dingding ng banyo.
"A-a-an-no ba! H-hin-d-di ako m-maka-h-inga!" Nahihirapan kong sabi dahil sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa akin. Feeling ko ay anumang oras ay mawawalan na ako ng malay.
"You have no rights to talk to me like that! Sampid ka lang sa pamamahay ko! At kailanman ay hinding-hindi ka magkakaroon ng puwang dito! Naiintindihan mo?!" Nanggagalaiti niyang sabi.
"B-bitiwan m-m-mo 'ko!" Malakas ko siyang itinulak at hindi niya iyon inaasahan kaya naman ay napalayo siya sa akin.
Hawak ko ang aking dibdib habang naghahabol ng hininga. Hindi ko namalayan na sunod-sunod na palang umagos ang mga luha ko. Hinawakan ko ang tiyan ko para doon kumuha ng lakas ng loob.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :