CHAPTER 52

4.7K 149 62
                                    

Dahil sa saya na naramdaman ko ay tumili na talaga ako ng tumili. Hindi alintana ang ibang tao nakasama ko sa bahay at natutulog pa.

Basta masaya lang ako.

MAY TRABAHO NA AKO!

HAHAHAH!

Napatigil lang ako nang biglaang sumulpot si Tita Kathrina at Fykes sa pinto na pupungas-pungas pa. Halata kakagising lang. Naku! Mukhang nagising ko ata sila dahil sa sigaw ko.

"What the--What are you doing, ate? You're too loud that I almost fell from my bed!" Inis na singhal ni Fykes at ramdam ko ang pagpipigil niya.

Hahaha. Kasalanan ko naman talaga pero masyado akong masaya ngayon kaya naman niyakap ko siga at pinugpog ng halik ang mukha na syang kinainis na naman niya.

"Stop, ate! You're so kadiri!" Maarteng ani niya pa habang iniiwas ang mukha sa akin.

"Ano bang problema, Faye at bigla ka na lang nagtititili diyan! Nakakanerbyos ka naman, uh-oh." Naiiling na saway ni Tita Kathrina.

Nagpapaumanhin akong tumingin sa kaniya at yumakap. Hinalikan ko na rin siya sa pisngi.

"Wahh! Tita Kathrina, I have a good news to all of you!" Excited na sabi ko at humiwalay na sa kanya na may malaking ngiti pa rin na nakabalandarya sa mukha ko.

Tumingin naman siya sa akin ng may pagtataka. "What news? I mean... what is it all about?"

"Sa hapag ko na lang po sasabihin, Tita! WAHH! Halina kayo at kumain na tayo!"

Dali-dali kong tinawag silang lahat para kumain na at nang mai-announce ko na rin ang gusto kong sabihin. Hinintay kong makompleto kaming lahat. Sigaw pa ako ng sigaw habang tinatawag sila isa-isa at ang kapatid kong lalaki ay naiinis na at naiingayan na daw sa akin. Pati ang mga anak ko ay naririndi na daw sa boses ko dahil sa kakasigaw at kakatawag sa kanila ng paulit-ulit.

Eh sa excited talaga ako eh! Hehehe. Matagal-tagal na rin simula nang huli akong magtrabaho. Kung tama ang alaala ko ay simula nang ikasal ako sa lalaking iyon ay hindi na niya ako pinayagang makapagtrabaho hanggang sa maghiwalay kami, nagkaamnesia ako at hanggang ngayon na tatlong taon na ako dito sa States.

Nang makompleto na kami ay nagdasal muna kaming lahat bago mag-umpisang kumain. Pero hindi pa ako gumagalaw at kumukuha ng ano mang pagkain at mukhang napansin iyon nina Tita at Fykes kaya naman napatigil sila sa ginagawa at itinuon ang atensyon sa akin.

"Ano nga pala ang gusto mong sabihin, hija? At kanina ka pa sigaw ng sigaw." Mahinahong ani ni Tita Kathrina.

Napatigil din ang iba maliban sa dalawang Nanny at mga bata na patuloy pa rin sa pagkain.

"Kasi po..." I trailed.

"Kasi ano, sis? Huwag pabitin, bad 'yan." Umismid ako kay Ate Sam dahil alam ko kung ano ang ibig sabihin niya sa pabitin. Kahit kailan talaga 'tong kapatid ko, ang libog ng bibig. Singlibog niya.

"MAY TRABAHO NA 'KO!" Sigaw kong tili!

Kita ko silang natigilan. Sina papa, Tita Kathrina at Tito Dreck ay ngumiti sa nang makita akong masaya. Binati pa nila ako.

"Good for you, hija." Sabay na bati ni Tita at Tito

"Mabuti naman anak nang hindi ka mabulok dito." Biro pa ni papa.

Habang sila ay masaya akong binabati, ang tatlo namang sina Kuya Michael, Ate Sam at Fykes ay hindi maipinta ang mukha. Parang hindi sila nasiyahan sa balita ko.

"Para saan naman ang trabaho mo, Faye?" Seryosong tanong ni Ate na nagpatigil sa amin.

Napabaling ako sa kanya at tiningnan siya ng nagtataka. "What do you mean, ate? Of course of us. Especially for my babies' future. Lumalaki na sila at dumadami na rin ang pangangailangan nila. They can't stay baby forever."

SOMEDAYWhere stories live. Discover now