CHAPTER 42

5.1K 200 126
                                    

One day before the kid's first day of school ay pinauwi na ako ng doctor. Marami pa kasing tests at monitoring na ginawa sila sa akin. Buti at nakauwi agad talaga ako bago ang pasukan ng mga bata dahil alam ko talaga tutuhanin nila Aphelion ang sinabi nila, na hindi sila papasok kung hindi ako ang maghahatid sa kanila.

Sa mga araw na nasa hospital ako ay hindi ako binisita ni Jake, na tumulong sa akin. Kahit isang beses man lang. Gusto ko sang magpasalamat sa kanya dahil sa ginawa niya. Siya ang naging sandalan ko sa mga oras na yun at siya din ang tumulong sa akin sa gabing iyon.

Siguro, babawi na lang ako pagnagkita kami ulit. May number naman siya sa cellphone ko. Kaso hindi ko pa muna siya magawang tawagan dahil nahihiya pa din ako dahil sa nasaksihan niya sa gabing iyon. Siguro next time na lang talaga pag-nagkita kami ulit.

Simula ng araw na 'yun na pag-uusap namin ni ate ay ramdam ko talaga na naiilang siya sa akin. Hindi na rin siya pala kibo sa akin. Maliban sa kanya at kay Kuya Michael, everything seems fine. But why do I have this feeling that everything is fine, but everything is not okay.

Sinalubong agad ako ng mga anak ko na galing sa paglalaro nang makita nila ako.

"Momma!"

"Mami!"

"Mommy!"

"Mimi!"

I chuckled at their faces. They really look surprise to see. Well, that's really my purpose not to tell them that I'm going home. To surprise me.

"Oh, babies. Huwag niyo munang kulitin ang mommy niyo. Kailan magpahinga niyan dahil galing sa hospital. Understood?" Pagpapaintindi ni Tita Kathrina sa mga bata.

Sila ni Tito Dreck, papa at Fykes ang sumundo sa akin sa hospital. Hindi ko na naman alam kung asaan sina ate at Kuya Michael. Basta ang sabi nina Tito Dreck ay may pinuntahan lang daw.

Lately, may napapansin din ako. Bakit palagi na lang umaalis sina Ate Sam at Kuya Michael? Maiintindihan ko sana kung aalis sila kasama si Caleena dahil baka family bonding or family trip. Pero hindi eh. Nasa bahay lang ang unica hija nila.

Ano kayang pinagkakaabalahan nila?

"Okay po, lola." Magalang na sagot ng mga anak ko.

"Tita, ganda!" Tili ni Caleena.

Natawa ako dahil mukhang ngayon niya lang ako napansin na nandito na pala ako.

Nagmano siya sa akin at nagbeso.

"Mabuti po na magaling na po kayow." Cute niyang sabi. Medyo namumula pa ang ilong niya at ang pisngi.

"Oo naman, baby. Magaling na si Tita ganda mo." Nagmamalaki kunwaring sabi ko at nameywang pa sa harap nila. She giggled at me.

"Shtop it, pinshan. Mommy needsh to pahinga. Galing sha hoshpital." Ani ni Alastair at hinawakan ang kamay ko para alalayan kuno ako.

Tinulungan nila akong lima na umakyat sa kwarto ko. Sina papa naman ay nasa baba lang, kumakain. Busog pa kasi ako kaya hindi na muna ako sumabay sa kanila.

Nang makahiga na ako sa kama ko ay napangiti pa ako nang kumotan nila ako. Ang kukyut talaga nila. Hahaha.

"Mimi, you should resh (rest). Sho that you will shend ush to shkol the day aftew tomoyow." (So that you will send us to school the day after tomorrow.) Cute na sabi ni Ashford.

Hinalikan ko silang lima sa noo at sa tungki ng mga ilong nila. Caleena and Agapov giggled but the rest of my boys remained serious.

Naku! Paano na lang paglaki ng mga 'to, tapos ganito ka sungit? Huhuhu. Huwag naman sana. Ngayon nga na mga bata pa sila ay kung umasta, daig pa ang mature na. Paano pa kaya pag naging mature na talaga sila? Huhuhu. Ka-scary naman nun.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now