"Faye, ayos ka lang? Umiiyak ka ba? Shit! Nasaan ka ngayon, pupuntahan kita!" Sunod-sunod niyang tanong sa kabilang linya.
Hindi ko napigilang matawa pero kalaunan ay nauwi lang din sa hagulhol.
"Faye, tell me where you are. Pupuntahan kita."
Pinilit kong magsalita para masagot siya. "N-nasa hospital ako."
"May n-nangyari ba kay tito? I heard what happened to him. Don't hang up, I'm coming." Narinig ko ang mga kilos niya sa kabilang linya at wala akong ibang sagot kundi hikbi lang.
Buti nalang at nasa may bandang halamanan ako at wala masyadong tao kay malaya akong umiyak at ilabas lahat ng nararamdaman ko na kanina ko pa pinipigilan at inipon.
Pagkalipas ng ilang minuto ay kumalma din ako at nang tingnan ko ang screen ng cellphone ko ay namatay na ang tawag.
Tumingala ako sa langit.
Mama, pinapanood niyo po ba ako ngayon? Hahaha. Nahihirapan po ang panganay niyo. N-nahihirapan na po ako. Malungkot ako, galit ako, naiinis ako, at nadidismaya ako hindi sa kanila kundi sa sarili ko.
Patuloy pa rin sa pag-agos ng mga luha sa pisngi ko hanggang pero kumalma na ako hindi katulad kanina. Hanggang sa napapikit ako nang maramdaman ko na may yumakap sa akin.
"I told you not to hang up. Ang tigas talaga ng ulo mo." Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at sinakop ang mukha ko habang tinitingnan ako sa mata. "Why is this beautiful eyes crying again?"
Ginantihan ko din siya ng diretsong tingin at pagak na ngumiti. "Kasi sinaktan na naman siya. Kasi pagod na siyang magpanggap. Kasi sukong-suko na siya. K-kasi galit siya sa sarili niya."
"Shhh. Let's go. Iuuwi na kita."
"Ayoko pang umuwi. Ayokong m-makita ako ng mga anak ko na ganito. A-ayokong masaksihan nila kung gaano ako k-kahina. Ayoko."
Tumango siya. "Okay. Let's go somewhere."
Sumama ako sa kanya. Habang nasa byahe ay walang umimik sa aming dalawa. Nasa labas lang ang tingin ko habang nakasandal sa bintana ng sasakyan ni Jake.
Saglit kaming tumigil sa coffee shop para bumili pero si Jake lang ang bumaba at nagpaiwan lang ako sa loob ng sasakyan.Tulala at mabigat ang pakiramdam.
Hindi din naman nagtagal ay bumalik agad si Jake at nagpatuloy sa pagmamaneho papunta sa kung saan.
Hindi ko namalayan na nasobrahan na ako sa pagkakalunod sa kung saan man lumangoy ang isip ko, hanggang sa naramdaman ko nalang na tumigil ang sasakyan.
Nang pagmasdan ko ang labas ng mabuti ay napansin kong parang nasa bundok kami.
Nilingon ko si Jake. "Where are we?"
Hindi niya ako sinagot, instead he smiled and said, "Tara!"
Nauna na siyang lumabas ng kotse dala ang supot na binili niya sa coffee shop kanina. Sumunod naman ako sa kanya at pagkabukas ko pa lang ng pinto ng sasakyan ay sumalubong sa akin ang malamig na ihip ng hangin. Buti nalang talaga at damit panlamig ang suot ko.
Nakita kong umupo sa ibabaw ng hood si Jake at sinenyasan niya din akong lumapit at gumaya sa kanya kaya naman kahit naguguluhan ay sumunod na lang rin ako.
Nang makapwesto na ako ay iniabot niya sa akin ang kapeng binili kanina. Iginala ko ang aking paningin at namangha nang makita ang city lights sa malayo.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Novela Juvenil[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :