CHAPTER 23

4.4K 158 55
                                    

"A-at... sino ako?"

Nagulat ako nang biglang tumawa ang ka-edad ko lang ata na babae.

"Hoy, Faye! Huwag mo nga kaming gino-good time. Hindi bagay sa 'yo. Para kang si Jollibee." Aniya.

Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya.

Napayuko ako at pilit na iniisip kung sino ako at sino sila sa buhay ko.

"Hoy, Faye! Ano? Prank ba 'to?" Pukaw atensyon na naman nung babae.

"H-hindi k-ko alam ang p-pinagsasabi n-niyo." Umiling ako ng umiling. "H-hindi ko kayo kilala."

Biglang nawala ang ngiti nito sa labi at napaawang ang bibig na nakatingin sa akin.

"H-hindi mo k-kami maalala?"

Tumango ako.

Wala talaga akong maalala. Hindi ko alam kung ano ba ako. O kung sino ba ako.

"Tatawagin ko lang ang doktor." Paalam nung ka-edad ko lang din ata na lalaki.

"H-hija..." Sambit nang may edad na na babae.

Napatingin naman ako sa kanya. Patuloy na umaagos ang mga luha sa mga mata niya.

"A-ako s-si Tita Kathrina mo. P-pamangkin kita. Kapatid ko ang m-mommy mo. K-kakambal ko ang mommy mo." Nahihirapang sabi niya. "Ito naman..." Iminuwestra niya ang babaeng kasama niya. "I-ito si Samantha. Ate mo. Half-sister mo, F-Faye. Iyong lalaking umalis kani-kanina lang ay asawa siya n-ni Ate Sam mo, iyon si Michael. At ito namang katabi ko..." Patungkol niya sa matandang lalaking kasama niya. "...ito naman ang T-Tito Dreck mo, asawa ko. P-please, Faye. A-alalahanin mo." Naiiyak niyang pagmamakaawa.

Pinilit kong alalahanin sila pero wala akong makita sa memorya ko.

Bigla na lang akong inatake ng nakakabiyak na sakit sa ulo.

ANG SAKIT!

"AAAHHHHH!" Sigaw ko dahil sa sakit. "AAAHHHH!"

"F-Faye! FAYE! What's happening, Faye?! Oh my ghad!" Pagpapanic nung sinasabi nilang Ate ko.

"ANSAKET NG ULO KO---AAHHHH!" Hindi ko na kaya ang sakit. Nanghihina ako!

At bigla na lang din dumagdag ang tiyan ko. Naramdaman kong biglang may mga paang sumipa dun galing sa loob. Sunod-sunod na pagsipa ang naramdaman ko.

"AAAAHHH! ANG SAKET!"

Naiyak na ako sa sakit! Hindi ko na alam kung saan ako babaling. Hawak ko ang ulo ko at ang isang kamay ko naman ay hawak din ang tiyan ko.

Ang sakit! Pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa saket!

"FUCK! MEDICS! MEDICS! AT VVIP ROOM!" Rinig kong natatarantang sabi ng Ate ko.

Nalingunan ko pa siyang may pinipindut na bagay sa pader. At maya-maya pa'y may pumasok na na mga naka-unipormeng puti. Tatlong lalaki at apat na babae. Kasunod din nila sa pagpasok ang nagngangalang Michael na nagpaalam kanina.

"ANG SAKIT!" Sigaw ko.

Ang sakit-sakit na! Naninikip na din ang dibdib ko sa sunod-sunod na sipa na nararamdaman ko sa loob.

May kung ano silang inilagay sa dextrose ko, at maya-maya ay humupa na ang sakit. Pero ramdam ko ang panhihina ng katawan ko kaya naman ay deritso ang bagsak ko sa kama.

Pakiramdam ko ay hinang-hina na ako.

"Tinurukan na muna namin siya ng pampakalma na gamot. Hindi naman namin siya pwedeng bigyan basta-basta ng pain reliever lalo pa't buntis siya." Ani ng matandang lalaki na nakauniporme ng puti.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now