Inilista ko na sa utak ko kung anong gagawin ko.
Sana lang ay gumana at magawa nitong panatiliin si Howell sa buhay ko. Sa buhay namin ng mga anak niya.
Bumaba ako at naabutan si Howell na umiinom ng alak.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago naglakad palapit sa kanya.
Kaya ko 'to! Para sa mga baby namin!
"Howell." Malambing kong tawag sa kanya. Tinapunan niya lang ako ng tingin at bumalik na sa pag-inom. "Umuwi na ba si Mia?"
"Yeah. She will be having a shoot in Palawan." Malamig na sagot niya ngunit mahihimigan ang kalungkutan. Kalungkutan na malayo siya kay Mia.
Sikat na artista si Mia at isa ding modela. Bukod sa maganda ito at maganda din ang hubog ng katawan.
Inabot ko siya at bahagyang pinaharap sa akin. Tinaasan niya lang ako ng kilay at malamig pa rin ang tingin sa akin. Sumiksik ako sa pagitan ng mga hita niya at niyakap ang braso ko sa leeg niya. Inamoy-amoy ko pa iyon. Ang bango talaga ng asawa ko!
Bahagya pa siyang natigilan sa ginawa ko ngunit nakabawi din at pilit kinakalas ang yakap ko sa kanya ngunit hindi siya nagtagumpay dahil hinigpitan ko pa ang yakap ko sa leeg niya at ibinaon ang mukha ko doon.
"Will you fucking get off me?!" His voice roared all over the area.
PLAN TO BE WITH HOWELL FOREVER!
Step 1: Lambingin si Howell. (Expect the anger from him already.)
Step 2: Pagpinagalitan ay umiyak! (Tingnan natin kung anong gagawin ni Hubby)
Nagsimula na akong umiyak. Ewan ko, pero parang ang dali nalang sa aking umiyak. Siguro, dahil sa hormones ko.
Nilakasan ko pag ang pag-iyak at hikbi ko. Ito ang unang pagkakataon na nakita ako ni Howell na umiiyak, kaya siguro natigilan siya. Hindi ko kasi ipinapakita sa kanya na nasasaktan ako at hindi ko rin siya hinahayaang makita na umiiyak ako.
"The heck?! Why are you fucking crying?!" Sigaw na tanong pa niya.
Humigpit pa ang yakap ko sa kanya at nilakasan pa ang iyak ko na parang bata na inagawan ng candy. Medyo nangangalay na ako sa kakatingkayad. Ang tangkad naman kasi ng asawa ko kahit nakaupo.
Bahagya pang naiipit ang tiyan ko sa tiyan niya.
Tiis-tiis muna babies. Kailangan lang gawin ni mommy 'to, para sa inyo. Hehehe. Ipagpray niyo si mommy na maging successful ang plano ko. Para paglabas niyo, happy family na tayo.
"Will you please fucking tell what is your fucking problem?!" Medyo mahinahon niyang tanong. Wala talagang preno itong bibig ng asawa ko. Akala mo eh may pagligsahan ng paramihan ng mura kada salita.
Umiyak na naman ako ng malakas. Pinaparating na ayaw kong sinisigawan ako.
"Shit! Fuck! Tell me what the hell is your problem!"
"S--s--si--sin--i--sini--sigawan, m--m-mo a-ako---waahhhhh!" Hikbi kong sabi.
"What the fuck are you playing this time? Huh?!"
"G-gusto k--kong k-k-kumain ng k-kambal na strawberries, asawa ko." Diniinan ko talaga ang asawa ko. Ito din ang first time na hindi ko siya tinawag sa pangalan niya.
Step 3: Magrequest ng something kay hubby.
"Diba sabi ko! Kahit wala iyang mga lihi-lihi na iyan! Manganganak ka pa rin! Bwesit! Tigilan mo 'ko!" Sigaw pa niya.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :