Saktong 8:00 am na kami nakakain ng breakfast.
More than three hours din kasi ang biyahe papunta dito sa hacienda ng mga Idelson.
Yup. Hacienda ng mga Idelson ang pinuntahan namin. Nabanggit kasi ni Manang habang si Howell naman ay tahimik lang na kumakain at nakikinig.
I want to ask him about the owner of this house which is his friend na Idelson din na mas lalong nakagugulo sa utak ko. I don't know why pero nakaku-curious talaga ako sa hindi malamang dahilan.
"Nasabihan ko na ang mga nangangalaga sa mga kabayo, hijo. Naihanda na nila ang mga kabayo kung maisipan niyo mang mangabayo." Imporma ni Manang.
"May horses po dito?!" Excited na tanong ni Alastair. Himala at nagsalita ang isang 'to. Pareho lang kasi nito si Aphelion na parang limitado lang ang mga salitang lumalabas sa bibig. Ang titipid.
"Yes, bud. But for now, let's take a rest muna bago tayo mamasyal at kung ano-ano pa. Masyadong maaga pa naman at may bukas pa. Magpahinga muna kayo para may energy kayo sa mga gagawin nating activities." Howell said and the kids immediately obliged at inumpisahan na niyang bitbitin ang mga bagahe namin.
"Tulungan na po namin kayo, sir." Ani ni Marianne na isa sa mga apo ni Manang.
"No thanks, I can manage. Pakiguide nalang sila, please." At nauna na siyang maglakad habang dala-dala ang mga gamit namin.
Medyo naawa pa ako sa kanya dahil alam at kita kong nahihirapan siya. Pero medyo lang naman kaya bahala na siya sa buhay niya.
"Hali na po kayo, Ma'am Faye."
Hindi ko napansin na katabi ko na pala itong si Kayla. Inaalalayan din nina Marianne at Seila ang mga anak ko.
Tahimik lang kaming umakyat sa pangalawang palapag at masasabi kong ang ganda talaga ng bahay na ito kahit may pagkaluma na. Halatang pinapanatili talaga nila ang linis at ayos ng bahay kahit na wala namang nakatira dito.
"Alam niyo po, Ma'am ang ganda niyo po." Biglaang sabi ni Kayla, kaya naman nawala ang atensyon ko sa pagtingin-tingin sa internal design ng bahay.
"Ehh. Ano ka ba, syempre alam ko na yan." Pabebe kong sagot at pabebe ko ring inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. Eh keshe nemen. "Chourout!" Bawi ko at bahagyang natawa.
"Ayy, hindi po 'yun charot-charot lang, ma'am. Ang ganda niyo po talaga. Kanina ko pa nga po gustong itanong kung ano pong gamit niyong pampaganda, eh. Siguro mamahalin po."
"Ouy, ano ka ba. Natural beauty yan. Hahaha. At tsaka anong mamahalin, eh sulfur soap nga lang afford ko eh. At tsaka, Faye nalang, huwag na ma'am. Para naman akong teacher niyan eh." Biro ko pa.
"Ahh. Eh nasanay na po talaga kami na ma'am, sir, senyorito o senyorita ang tawag namin sa mga amo namin eh."
"Naku, hindi mo naman ako amo. Bisita niyo ako kaya Faye nalang, okay?" Pamimilit ko pa. Nakita kong nag-aalangan parin siya.
"Eh ma'am, asawa po kayo ng senyorito kaya amo ka po namin."
Napakamot ako ng ulo kasi hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na matagal na kaming hiwalay ng senyorito nila.
Hindi ko napansin na napahinto na pala kami sa pag-akyat sa kalagitnaan ng hagdan papuntang pangalawang palapag. "Ano ka ba, Faye nalang kasi. Hindi talaga kita titigilan, sige ka. At saka, mukhang same age lang naman tayo eh. Hindi din kasi ako sanay na tinatawag ng ganoon, parang ang strikta ko naman pakinggan. So, just call me Faye. Okay?"
Ngumiti din siya kalaunan. "S-sige po."
Natawa pa ako nang makita ko siyang napakamot-ulo na parang iniisip kung tama ba ang ginagawa niya.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :