CHAPTER 68

2K 77 12
                                    

Nakakuyom ang mga kamao ko na nasa aking mga hita ngayon.

Gusto kong manuntok! Gustong-gusto kong suntukin ang demonyong nagdadrive ngayon sa tabi ko.

"Are you not going to talk?" Tanong niya habang sinusulyapan ako ng tingin.

Itinuon ko na lang ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ko siya pinansin at nanatiling tahimik at hindi maipinta ang mukha sa inis dahil sa ginawa niyang pagpilit na ihatid ako.

Demonyo talaga.

"Faye..." Napakurap ako nang dahil sa malamyos at marahan niyang pagtawag sa akin. Pero hindi sapat 'yun para mawala ang inis ko sa kanya.

"Ihatid mo na lang ako ng tahimik, please. Pagod na 'ko"

Nagtaka ako nang ihinto niya ang kotse sa gilid ng daan. Kaya naman hindi ko maiwasang mapabaling sa kanya dahil sa inis at pagtataka. Diretso lang siyang nakatingin sa harap at nakahawak parin sa manibela ang kaliwa niyang kamay habang ang kanan ay nasa kanyang hita nakakuyom. Hindi ko rin maiwasang mapagmasdan ang kanyang mukha.

Simula nang magkita ulit kami pagkatapos ng tatlong taon na walang balita sa kanya, hindi ko pa siya natignan na ganito katagal at ganito ka lapit.

Naging matured ang kanyang mukha at pangangatawan at mas napedina ang kanyang panga. Matatangos na ilong, mapupulang mga labi, bilog na mga mata, makakapal na mga kilay at mahahabang pilik mata.

Kaya hindi niyo 'ko masisisi kung na in love ako sa demonyong 'to. Siya lang kasi ang nakilala kong demonyo na may ipagmamayabang naman pagdating sa pisikalan at syempre sa pag-iisip din.

Nakilala ko si Howell bilang isang matalino, sporty na tao at masiyahin. Maparaan din sa mga bagay-bagay na kuryoso o gusto niyang patunayan at higit sa lahat, mapagkumbaba. Kaya nga nagtaka ako kung bakit tila nagbago siya at nawala ang Howell na nakilala ko, napalitan iyon ng isang masungit, malamig, at mapanaket na Howell.

Hindi ko din maiwasang alalahin ang mga masasayang alaala kasama siya noong magkaibigan pa kami. Psh. Wala naman kasi akong natatandaan na nagkaroon kami ng masayang alaala noong mag-asawa pa kami.

"I'm sorry."

Napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita siya at bumaling sa akin na may nagmamakaawang mga mata.

Nag-iwas ako ng tingin. "Sorry? Para saan naman?"

"For everything that I did to you. And also, for earlier. I know it's not your fault, I was just-"

Pinutol ko ang pagsasalita niya. "Just what, Howell? If you already knew it's not my fault, then why do you have to fucking looked at me like that."

Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha, tila naguguluhan sa aking mga sinasabi. "Look at you like what?"

"You looked at me like I did a crime. An unforgivable crime. Sa tingin mo palang kanina, Howell parang sinisisi mo na ako sa nangyari sa mag-ina mo."

Sandali siyang napakurap na parang pinoproseso ang mga sinabi ko. Bago siya nagbaba ng tingin. "I'm sorry if I made you feel like that, Faye. But believe me, I didn't mean to made you feel like I'm accusing or anything bullshits. I... I was just so confused on how to act back there. Ayaw kong magalit sa harap ni Massey. That's why I just kept the anger in myself. I was calming myself not to hurt Mia. I was so eager to shout at Mia earlier but damn, I can't because of my daughter. I'm sure you already know that she is not my biological daughter because for sure mommy told you already. But still she is my daughter, Faye. I... I hope you understand. I'm sorry." Mahabang paliwanag niya.

Tama naman siya. Hindi naman talaga tama na mag-away sa harap ng mga bata. Lalong-lalo na sa murang mga edad. It's possible that it could cause trauma to the child. Children are so fragile and vulnerable that we have to take care of them as much as they need. It's not only a parent's responsibility but it's also part of how we show to our children how much we love and care for them.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now