Umupo na ako sa kanang upuan na katabi ng kapatid kong si Fykes na nakabusangot pa rin ang mukha.
Hahaha.
"Oh? Bakit nakabusangot iyan?" Puna ni Ate Sam sa bunso namin.
Hindi ko mapigilang matawa.
"Pfft. Eh k-kasi, ate--hahahaha!"
Hindi ko matuloy ang sasabihin dahil sa nakakamatay na tingin ni Fykes sa akin. Hindi ko na din alam kung saan ako natatawa, tungkol ba sa nangyari sa kanya or sa nakabusangot niyang mukha na hindi na maipinta.
"Stop it, Ate." Iritableng ani ni Fykes.
Tumigil na din ako sa pagtawa, pero sadyang pinanganak talaga na chismosa itong kapatid ko, kaya naman hindi niya pa rin ako tinigilan sa pagtatanong.
Ang mga bata ay tahimik lang kumakain at kaming magkapatid lang talaga ang maingay sa hapag.
"Ano nga iyon, Faye? Houy, Fykes! Magtatampo talaga ako! Hindi niyo 'ko sinasabihan. You're annoying!" Pangungulit pa ni Ate sa amin.
"Ate, it's really nothing, okay?" Labas sa ilong na sabi ni Fykes.
Pero hindi talaga sapat kay ate ang 'It's nothing.' ni Fykes. Ako na naman ang kinulit niya.
"Faye! Ano, Faye? Sabihin mo na! Hindi ko kayo titigilan pag hindi niyo sinabi sa akin."
Tumingin ako kay bunso at halata na talaga na hindi na talaga siya komportable sa topic namin.
"Kasi ate..." I trailed off.
Napatingin si Fykes sa akin at pinandilatan ako ng dalawa niyang mata na parang sinasabi at isinisenyas sa akin na huwag magsalita o huwag sabihin.
Tumingin ako kay ate na naghihintay ng sasabihin ko."Eh kasi ate, may gustong kotse si Fykes. Eh kaso, wala siyang pera pambili, kaya tinawanan ko." Pagsisinungaling ko. Sana bumenta kay ate.
"Ah! Iyon lang, bunso? Sus! Nahiya ka pa! Anong klase at magkano ba iyang sasakyan na 'yan, huh?"
Napatingin si Fykes sa akin na may pagtatakang at nagtatanong na mga tingin, na para bang tinatanong kung bakit iyon ang sinabi ko. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain.
"O-okay lang, ate. H-hindi ko naman kailan. Gusto ko lang." Palusot ni Ate.
"Ano ka ba, bunso! Kung may gusto kang bilhin, tapos kailangan mo ng tulong, hingi ka lang sa akin o kay ate Faye mo, huh? Or di kaya'y kay Kuya Michael mo, maalam iyan sa mga kotse."
"Okay, po."
Tumahimik na kami at nagpatuloy na sa pagkain. Nabulabog lang ang katahimikan nang magsalita ang anak kong si Agapov.
Kahit naman kasi pareho sila ng mukha ay magkaiba naman sila ng pamamaraan ng pagsalita at tuno ng boses. Pero kung gugustuhin nilang gayahin ang boses ng isa, ay sa tingin ko ay kaya. Ewan. Sa tingin ko lang kasi ang tinis lang naman ng boses at pamamaraan ng pananalita nila ang pinagkaiba kaya matutukoy mo talaga kung sino si sino.
"Momma..." Tawag sa akin ng bunso ko.
Nilingon ko naman agad siya. Nasa kaliwa ko sila nakaupong apat. Si Alastair and katabi ko, tapos si Agapov, tapos katabi ng bunso ko ay si Aphelion, at nasa dulo si Ashford.
"Yes, baby?"
"Momma, what's the use of our penish?" Tanong niya na ikinabigla namin kaya naman literal na nabulunan kaming apat. Ang mga nanny naman ng mga bata ay bumungisngis lang sa tanong ng anak ko.
Oh diba? Palagi na lang curious ang anak ko. Diyos ko, saan kaya 'to nagmana?
Uminom muna ako ng tubig dahil feeling ko ay natuyuan ako ng lalamunan. Inosenteng nakatingin si Agapov sa akin na naghihintay ng sagot. Tinignan na rin ako ng iba ko pang anak nang matagal akong hindi nakapagsalita.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :