That night went fine.
Naghapunan kami ng sabay-sabay. At habang kumakain ay tanong ng tanong ang nakababata kong kapatid kung anong bibilhing gamot kay papa. Muntik ko na siyang mabatukan dahil bumabalik na naman siya sa pagiging maingay niya katulad noon.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami saglit bago nagpasyang matulog na. At ang mga anak ko naman ay naglalambing at halos mag-agawan sila ng pwesto sa magkabilang gilid ko habang nakahiga na ako sa kama. Matutulog na daw kasi sila sa tabi ko para daw marami pa rin kaming time together kahit sa pagtulog na lang daw. Natawa na lang ako sa kakulitan nila. Medyo naaawa din ako sa kanila dahil hindi ko maipagkakaila na mababawasan talaga ang oras ko sa kanila lalo pat demonyo ang boss ko.
Days has been passed so fast and it's been already 1 week since I got hired as a President's Secretary in HL Company. Araw-araw ay parang empyerno talaga ang buong opisina dahil kasama ko palagi ang boss kong demonyo. Araw-araw ay marami siyang pinapagawa sa akin pero pagdating ng lunch time ay istrikto niyang pinagbibilin na kailangan ko daw talagang kumain. Well, napapansin ko ding ganyan din siya sa ibang empleyado niya kaya naman hindi ko na nilagyan ng malisya pa. As if naman 'no!
Third day ng araw ko sa pagpasok noon ay nalaman nila papa na nagtatrabaho ako sa kompanya ng ex-husband ko at ito pa talaga ang mismong boss ko. Walang sinabi sila papa maliban kay Ate na talak ng talak.
"Faye, magresign ka na diyan! Faye naman, sa lahat ng kompanya at trabaho na pwede mong pasukan, bakit diyan pa sa kompanya ng letcheng lalaking yan! Pwede ka namang magtrabaho sa kompanya ni Michael!"
"Ate, kaya nga ako nagtatrabaho dahil ayaw kong umasa sa inyo habang-buhay. Nagtatrabaho ako dahil gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa gamit ang sarili kong kakayanan at sipag. Kung magtatrabaho ako kay Kuya Michael, alam kong kahit hindi niyo man gusto ay papaboran niyo 'ko dahil pamilya at kilala niyo 'ko. At kung hindi man ganun ang case, pwede ding maraming masabi ang iba at makwestyon pa kayo kung paano at bakit ako nakapasok sa kompanya niyo." Pagpapaintindi ko sa kanya dahil mukhang konti na lang ay sasabog na talaga 'to ng bongga.
"Faye, nakapasok ka kasi magaling ka at pinaghirapan mong makuha kung anuman ang meron ka! At bakit ba iniisip mo pa 'yung sasabihin ng iba, kung pwede namang magbingi-bingihan at magbubulag-bulagan."
"Ate..."
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto niyang pumasok ako sa kompanya nila. Ewan ko ba kung bakit parang ayaw ko. Siguro nga ay baka dahil gusto ko lang ng new environment. Gusto kong magsikap gamit ang sarili kong kakayahan nang hindi nanghihingi ng tulong ng iba. Iba-iba ang negosyo nila Tita pero under sa iisang company lang. Syempre, company nila 'yun.
Dalawang araw din akong hindi kinausap ni ate 'nun pero makaraan ang dalawang araw ay kinausap ko siya at nakipagbati. Ayaw ko kasing nag-aaway kami. Kami-kami na nga lang ang magkakapatid tatlo, tapos mag-aaway pa kami. At saka isa pa, ang pangit at ang bigat sa pakiramdam pag may away o hidwaang nagaganap sa pagitan ng bawat myembro ng pamilya. Lalo na kung nasa iisang bubong lang kayo.
And we are already matured enough to understand each other's side. Number of your age isn't a bases to tell whether you are matured or not. It's about your way of thinking and understanding.
Papunta ako ngayon sa Financing Department para maibigay ang lahat ng mga kailangang nila. Last month pa daw dapat ito naaprobahan sabi ng demonyo--- este, sabi ni Sir Idelson. Kaso busy daw siya last month kaya naman hindi niya na check at napirmahan ang nga proposals.
"Yes, ma'am Faye? How may I help you?" Tanong ng isang magandang babae nang makita niya akong papasok sa bukana ng area nila.
Agad akong napatigil at napabaling sa kanya. Sa isang linggo kong pagtatrabaho dito ay may nakilala na din ako pero hindi ko naman close. Nakilala din ako ng halos lahat ng mga empleyado dito dahil ako lang naman ang nag-iisang sekretarya ng President nila. Napag-alaman ko din na mahigit kalahati na trabahador ng kompanya ay mga Filipino dahil para daw talaga sa mga Pinoy na gustong magtrabaho sa bansang ito ang kompanyang 'to. Bale, parang bahagi pa lang siya ng companya para talaga sa mga Pilipino pero sobrang laki na niya at kilalang-kilala na sa buong bansa kahit pa sa ibang bansa. Gets niyo? Bahala kayo. Chour.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :