CHAPTER 6

5K 151 35
                                    

Mga dapit ala-una na dumating sila Samantha at Michael. Wala si Howell, maagang umalis dahil marami pa daw siyang tatapusing trabaho.

At ito pa mga pepols! Hehehe. Kanina, nang akmang aalis na naman si Howell ay sumipa ang apat. Hindi ko napigilan ang medyo malakas kong pag-igik dahil sa biglaan nilang pagsipa, kaya naman napansin ni Howell. Hehehe. Alam niyo ba ang ginawa niya? Syempre hindi! Hehehe. Kaya nga ikwekwento ko kasi hindi niyo pa alam.

Ayun na nga, diba napansin na niya. Hehehe. Bumalik siya at hinaplos ang tiyan ko hanggang sa tumigil ang mga sipa. Tapos sabi pa niya sa mga bata...

"I'm going to work buddies." Cold ang pagkakasabi niya pero kinikilig pa rin ako! Hahaha. Pake niyo ba?!

Kasalukuyan kami ngayong gumagawa ni Samantha ng Strawberry Jam sa dinning table. Alam niyo na, malalaki at mabibigat na ang mga tyan namin lalo na itong sa akin kaya naman hindi na naman kayang tumayo lang sa kusina kaya dinala nalang namin dito sa dinning table.

Si Michael naman ay nagluluto ng makakain namin sa kusina.

"Asan nga pala ang asawa mo?" Tanong ni Samantha.

"Maagang pumasok sa trabaho. Hehehe. Ayaw nga pumayag ng apat na nasa loob ko eh. Tudo sipa kanina. Pero nung haplusin ng daddy nila ay huminto din. Hehehe."

"Eh yung, uhm... Yung k-kaibigan mo?"

"Ah, si Mia? Nasa shooting siya ngayon sa Palawan. Isang linggo na nga siya doon eh. Hindi pa umuuwi."

"Bakit parang okay na okay at parang wala lang sa 'yo na nangangaliwa ang asawa mo? At sa kaibigan mo pa talaga?" Inis niyang banat.

Naluluha akong nagbaba ng tingin. "H-hindi okay sa akin. Masakit. Tangina, sobrang s-sakit. Pero anong magagawa ko? First love niya 'yun. Iyon ang totoo niyang mahal. Iyon ang gusto niyang makasama. Hehehe. Kaya okay lang."

Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Eh gago pala siya eh! Kung iba naman pala ang mahal niya, eh bakit ka pa niya pinakasalan?! Bakit ka pa niya inanakan?!"

"It was just a pure dare, Sam."

"Dare?!"

"Hmm. We were bestfriends. Four years ago, before we separated after our college graduation. We had this game called SOMEDAY. We played it with our squad. Ang unang matatapatan ng bote ang siyang gagawa ng dare at ang pangalawang matatapatan ay siyang gagawan. Nautusan siyang pakasalan at anakan ang babaeng matatapatan ng bote. At kung lalaki naman ay bibilhan niya ng condominium. So...yeah...hahaha."

"What the hell?" Hindi makapaniwalang sambit niya. "I thought you were bestfriends before you seperated? What happened then? Why is he acting like he doesn't care for you?"

"Kaya nga eh. Two years ago pa dapat nagawa ang dare pero after four years pa kami nagkita ulit. At sa muling pagkikita namin, iba na iyong tingin niya sa akin. Hindi na siya y-yung Howell na nakilala ko. E-ewan ko ba. Siguro, kasabay ng paglipas ng panahon ay pagbabago ng tao. Wala na tayong magagawa dun." Nagpilit na lang ako ng ngiti.

"But still... in people and god's eyes you're still married! At magkakaanak na kayo! You two should stop saying and acting like your marriage and your babies were just a pure dare! Because I can see it in your eyes, Faye. You're hurting. You're in pain. And that only means you love him, kahit pa sinasabi mong dare lang iyon."

Umiyak lang ako at hindi na nagsalita pa. Ayaw ko ng magsalita. Masyado ng masakit.

Ng medyo gumaan na ang pakiramdam ko ay nagpatuloy na kami sa ginagawa namin. Nakakagaan pala talaga ng loob iyong may napagsasabihan tayo ng mga problema natin. Iyong may masasadalan tayo sa oras na hinang-hinang na tayo.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now