Limang araw na ang nakalipas simula nang umalis ako sa puder ni Howell.
Limang araw na din akong nakikitira sa bahay nina Sam at Michael. Nahihiya na nga ako eh, pero sabi ni Michael ay okay lang at nagpapasalamat daw siya na nandito ako para may makasama si Sam pag nasa trabaho siya.
Nag-stay pa ng dalawang araw si Sam sa hospital pagkatapos manganak at makalipas nun pinauwi na siya ng doktor.
Naging malapit na din ako sa mga magulang ni Sam lalo na sa mommy niya. Ewan ko lang kung bakit pero ang gaan talaga ng pakiramdam ko sa kanya.
Siguro ay hinahanap ko ang kalinga ng isang ina at nakita ko iyon sa kanya. Hindi ko alam.
Tinulungan din ako ng mga magulang ni Michael na isaayos ang mga papeles ng divorce namin ni Howell. Sila na din ang nagbigay nito sa kay Howell ng mga papeles na pipirmahan niya para mailakad na ito sa korte at mapa-walang bisa na ang kasal namin.
Malungkot. Oo. Iyan ang naramdaman ko.
Lungkot dahil pagkatapos ng lahat ng 'to. Pag-naaprobahan na ang mga papeles ay alam ko sa sarili kong tapos na talaga. Wala na.
At kailangan kong kayanin 'to. Lalo pa't malapit na akong manganak.
Pero sa loob ng limang araw ay aaminin kong, namimiss ko na siya.
Namimiss ko na siyang ipagluto. Namimiss ko na siyang ipaghanda ng pagkain. Namimiss ko na ang masungit niyang mukha.
Naalala ko pa na hindi pa pala siya marunong magsuot ng necktie. Hahaha. Baka i-ribbon niya na yung necktie niya pag napigtas na ang pasensya niya. Hahaha. Maikli pa naman ang pasensya nun sa lahat ng bagay. Well, of course except kay Mia.
Sana alagaan siyang mabuti ni Mia at pakainin ng nasa oras. Pagpagod galing sa trabaho si Howell ay sana ipaghanda niya ito ng paborito nitong beef steak. At bago matapos maligo si Howell ay dapat naipaghanda na niya ito ng maisusuot at tuwalya.
Tangina. Mababaliw na ata ako. Namimiss ko na siya. Gusto ko na siyang makita kahit saglit lang. Kahit sa malayo lang.
"Tulala ka na naman diyan."
Napabalik ako sa reyalidad nang may magsalita sa likod ko.
Nilingon ko ito at nakita kong papalapit si Michael sa kung saan ako.
Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa langit kagaya ko.
Full moon ngayon. At ang ganda ng buwan at mga bituin sa kalangitan. Na para bang walang problema sa itaas.
"Saan pala si Sam?" Tanong ko.
"Nasa kwarto. Tulog na silang mag-ina ko, at matutulog na sana ako nang makita kita dito mula sa terrace ng kwarto namin." Aniya.
Tumahimik na lang ako, at tumingin na ulit sa kalangitan.
"Ang ganda 'no?" Biglang tanong ni Michael.
Napalingon ako sa kanya pero nakatingin na rin siya sa langit. Kaya naman ay ibinalik ko na lang din ang tingin ko dun.
"Oo. Maaliwalas ang gabi at maganda ang panahon. Kumikinang din ang mga bituin sa kalangitan." Sagot ko.
"Tama. Nandiyan lang sila palagi. Hindi sila umaalis sa pwesto nila pero natatakpan sila ng liwanag ng araw sa umaga. Minsan naman ay hindi sila nakikita dahil natatakpan sila ng mga ulap pag masama ang panahon. Pero kahit na anong mangyari, ay nanatili lang sila sa mga pwesto nila. Ang iba sa kanila ay natunaw na. Pero ang mga natira ay nananatili pa rin sa pwesto nila at patuloy na kumikinang pagkagabi."
"Hindi sila umaalis, dahil wala naman silang kakayanang umalis. Kaya hindi sila makaalis."
Tumawa siya dahil sa sinabi ko. "Tama ka diyan. Ang iba sa atin ay inihahalintulad ang bituin at buwan sa pag-asa."
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :