CHAPTER 43

4K 139 12
                                    

Dumating na ang unang araw ng pasok ng mga bata sa skwela.

Kagabi pa sila excited at halata talaga na nasasabik na silang pumasok dahil maaga silang natulog para daw maaga din silang magising kinaumagahan. Mas nauna pa nga silang nagising sa akin.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga cute na polo ng mga anak ko.

"Babies, behave kayo doon huh? Huwag niyong papagurin ang mga Nanny niyo." Bilin ko sa mga boys ko.

"Opo." Sabay nilang sagot.

Inihanda ko na rin ang mga gamit nila at inilagay sa loob ng maliliit nilang bags. Ang mga pagkain nila na pinabaon ko kung sakaling magutom sila ay inilagay ko rin sa isang malaking bag para magkasya doon. Ang Nanny Emerald naman nila ang magdadala nun eh kaya okay lang, at saka hindi naman gaanong ganun kabigat.

Si Baby Caleena naman ay masalukuyang inaayusan ni Ate Sam at napapailing na lang ako sa mga kalokohang pinagsasabi niya sa bata.

"Anak, huwag kang malande doon okay? Pero pag gwapo, landiin mo agad. Chour."

Oh diba? Baliw talaga kahit kailan.

"Hon, will you please stop teaching Caleena, things like that. She's still 3 years old for pete's sake." Iritableng sabi ni Kuya Michael kay Ate habang inaayos ang bag ng anak.

Nilingon siya ni Ate at tinaasan ng kilay. "Bakit? Kung hindi ako malande at hindi kita nilande, Michael. Sa tingin mo may baby Caleena tayo ngayon?" Panunuyang sabi ni Ate kay Kuya.

Nakita kong bahagyang lumaki ang mata ni Kuya at namula ang buong mukha, dahil siguro sa kahihiyan dahil walang preno ang bibig ng asawa niya. Hahaha.

Hindi na lang umimik si Kuya Michael at nagpatuloy sa ginagawa. Natawa na lang ako sa kanila.

"Kayo, Ate ah. Baka masundan na si Baby Caleena natin." Pang-aasar ko sa kanila.

"Actually, Faye. Tama ka. Gusto ko na ngang sundan si Baby Caleena, eh. Siguro, twins, triples at quadro din. Kaso iyong iba diyan, hindi naman shooter." Pagpaparinig ni Ate.

"Who said I'm not a shooter? I am a shooter! Kaya nga may Baby Caleena eh!" Halatang hindi tanggap ni Kuya Michael ang sinabi ni Ate.

"Will you please both stop. The kids are listening." Singit ni Fykes na sa tingin ko ay kakababa lang galing sa itaas.

"Good Mowning, Tito!" Maligayang bati ng mga bata sa tito nila at sinalubong ng yakap at halik sa pisngi si Fykes.

"Excited na ba kayo sa first day of school niyo?" Tanong ni Fykes at bahagyang yumuko para mapantayan ang mga bata.

"Opo! Supew eshayted na po kami, tito!" (Super excited...) Bibong sagot ni Agapov.

"And we will be a good boys." Taas-noong saad ni Ashford.

"You should, boys. Especially that you're a big boys now."

"Yesh, tito!"

"And as a big boys. You should protect your Ate Caleena away from bad boys. Okay?"

"Opo, tito Fykes!" Sabay-sabay na tanong ng mga bata.

Tapos na kaming kumain, maliban kina Tita Kathrina, Papa, Tito Dreck at Fykes na matagal nagising.

Ang sabi ni Tita Kathrina ay dito daw pansamantalang mamalagi ang mag-asawang sina Jason at Ayza. Pero hindi naman sila dumating. Nag-alala nga kami eh. Buti na lang at tumawag naman ang mag-asawa at sinabing nasa rest house sila ng mga Lopez. Ang iba daw kasing mga pinsan namin ay umuwi na din ng Pilipinas pagkatapos ng party at habang dalawang araw daw akong tulog noon sa hospital ay dinalaw daw nila ako para sana makapag-paalam kaso ay wala pa akong malay ng mga oras na yun. Kaya kina Tita lang sila nakapag-paalam. Marami pa daw kasi silang mga trabahong naiwan sa Pilipinas na dapat tapusin.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now