CHAPTER 53

2.9K 114 6
                                    

Nakatingin lang ako sa kanya at mukhang nabaon na ata sa sahig ang mga paa ko dahil hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang pinuproseso ang lahat.

What the heck?

Totoo ba 'tong nakikita ko? Hahaha. Siguro namamalikmata lang ako ano? Siguro nga.

"Earth to my Faye..."

Napabalik ako sa aking wisyo galing sa pagkakatulala nang dahil sa sinabing iyon ni Howell. Ni hindi ko man lang namalayan na dalawang hakbang na lang ang pagitan namin.

"I-Ikaw?" Nauutal kong sambit.

Ngumisi siya ng nakakaloko at tumango-tango. "Yes. Ako. By the way, welcome to your first day of work, my secretary." May panunuya niyang sabi.

Lahat ng excitement ko sa unang araw ko sa trabaho ay nawala nalang ng parang bula dahil sa taong nasa harapan ko ngayon. Ang sarap sakalin ng lalaking 'to kung hindi lang ako nagpipigil.

"Ikaw ang magiging boss ko?" Matigas kong tanong.

"Yes. And as your boss, would you please pakitimpla naman ako ng kape. Medyo nauuhaw kasi ako eh."

Ang kapal talaga ng depungal na 'to. Kung nauuhaw siya edi uminom siya ng tubig. Buset siya.

Pero aminin ko man o hindi ay may parte sa akin na parang gumaan dahil nakita ko na ulit ang mukha niya. Hanue daw?

"No, thanks. I don't need this job. I change my mind." Akmang tatalikod na ako nang pigilan niya ako sa braso.

Tiningnan ko ng matalim ang kamay niyang nakahawak sa akin at nag-angat ng matatalim na tingin sa kanya.

"Let go of me." May diin kong sabi.

Malamig at seryoso na ang tingin at mukha niya ngayon. Hindi katulad kanina na, mapaglaro at nakakaasar.

"Let's be professional here, Ms. Martinez. You applied in my company and the person who was assigned for the hiring, chose and hired you. Honestly, may mga tao pa namang mas karapat-dapat sa posisyon na nakuha mo, and also people who would die just to get the position as my secretary, kaso hindi sila ang napili ng in-assigned kong tao. Ang believe me or not, I didn't even know na ikaw ang napili ni Anna, the person in charge. Nalaman ko lang kanina nang in-formed nila ako at nabanggit nila ang pangalan mo." Mahabang lintanya niya.

Habang nagsasalita siya ay hindi ko mapigilang igala ang paningin ko sa katawan niya. Sa huling alaala ko ay maganda na ang katawan niya pero mukha mas napidena ata ang katawan niya ngayon. Maybe because it's been really a long time. At hindi ko din siya masyadong natingnan ng huling naming pagkikita.

Those thick eye brows, pinkish lips and perfect jaw line makes my knees tremble. And while he was talking I could see his adams apple moves up and down. At parang mas nakakapagdagdag pa 'yun sa kakisigan niya. Ang gwapo talaga niya. Okay, I give him that. He is really a perfect master piece that every woman would die for.

Magkamukha naman sila ni Hibben, of course dahil magkakambal sila. But I could say that Howell's aura is really different from his brother. Dala-dala ni Howell and madilim at mapanganib na aura na makakapanghina talaga ng tuhod.

"Baka matunaw ako niyan, Ms. Martinez."

Napabalik na naman ako sa katinuan ko dahil sa mapanuyang boses niya. Inis ko siyang tiningnan na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil nakita ko na naman ang malalim niyang tingin at madilim niyang mga mata na nakakapanghina at nakakawala ng lakas dahil parang hinihigop ata ng mga tingin na 'yun ang lakas ng loob ko. Parang winawala ng mga tingin niyang 'yun ang galit at inis ko sa kanya.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now