CHAPTER 45

3.8K 125 14
                                    

It's my 24th birthday today. And I'm expecting Howell to greet when we woke up this morning but I didn't hear anything from him.

Could it be... nakalimutan na niya ang birthday ko?

Napanguso ako habang iniisip na baka nga nakalimutan na niya ang birthday ko. Pero mas masakit ang isipin na baka natatandaan niya talaga ang birthday ko... kaso wala na siyang pakealam.

Sa dalawang taon na magkasama kami noong college days namin ay sama-sama kaming buong magbabarkadahan na magcelebrate ng mga birthdays namin. Malulungkot nga ang mga birthday celebrants sa bawat birthdays kung hindi kami kompleto.

Kasalukuyan akong naghahanda ng pagkain nang bumaba siya galing sa itaas.

Tatlong na buwan na kaming kasal at nakatira sa iisang bubong. Sa mga panahong magkasama kami ay napapansin ko talaga na ibang iba na talaga siya sa Howell na nakilala ko noon. Idagdag pa ang isipin na may first love siya at mahal na mahal niya daw ang babae doon.

Ang mas masakit pa ay nang malaman ko kung sino ang babaeng iyon. Parang sinaksak ng milyon-milyong kutsilyo ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan ng kaibigan ko.

Mia San Jose

Pagak pa akong natawa sa sarili ko nang marinig ang pangalang iyon mula mismo sa bibig niya. Biruin niyo... parang pinaglalaruan talaga kami ng letseng tadhana na yan. Para pa akong sinakal ng katotohanan nun.

Katotohanang... Mahal ko siya, habang may mahal na siyang iba.

Nang tuluyan na siyang makababa ay umupo agad siya sa hapag para kumain. Ako naman ay nakatayo lang habang pinapanood siya. Ayaw kasi niyang nagsasabay kami sa pagkain.

Nasasaktan ako, oo. Pero anong magagawa ko? Iyon ang gusto ng taong mahal ko, na asawa ko na ngayon.

Nagsimula na siyang kumain habang ako naman ay nag-aalinlangan na magsalita. Gusto ko kasi siyang tanungin kung busy ba siya mamaya pag-uwi niya o kung may gagawin ba siya. Maghahanda kasi ako ng konting handaan para sana sa kaarawan ko ngayong araw. Wala naman akong relatives dito at ang mga kaibigan ko naman na kaibigan din ni Howell ay wala na akong balita. Pero narinig ko mula sa kanya na lahat daw ng kabarkada namin ay nasa labas na daw ng bansa namamalagi. Kaya ngayon, wala akong maimbita at makasama sa kaarawan ko kundi si Howell lang.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now