CHAPTER 61

3.8K 125 32
                                    

FAYE's POINT OF VIEW

It's been 4 days since my quadruplets met their dad.

True to his word, ay nakikita kong bumabawi talaga si Howell. Kakauwi lang niya galing sa business trip kahapon.

Ika-cancel nga dapat niya ang business trip na 'yun but I told him that it was for the International conference kaya dapat talaga ay nandoon siya. Pag nagpadala kasi siya ng ibang employee ay may posibilidad na iba ang magiging outcome ng usapan ng kasusyo ng kompanya, kaya naman kailangan talaga na ang mismong CEO o Presedente ng kompanya ang dumalo sa event.

Sa tatlong araw na nasa business trip siya ay hindi niya nakaligtaang tumawag ng tatlo o apat na beses sa isang araw sa mga anak niya sa numero ko. Kasi wala pa namang sariling cellphone and mga bata. Dapat lang 'no na ganun ang ginagawa niya, responsibilidad niya talagang pangatawanan ang pangako niyang bumawi. Pero sa tatlong araw na 'yun ay si Agapov lang ang palaging sumasagot at nagsasalita. Ang tatlo kasi ay halatang may dinadamdam pa din sa ama nila.

Ayaw ko din naman silang pilitin pero gusto ko silang sanayin na makausap at makasama ang ama nila. Dahil kahit bali-baliktarin man ang mundo, ay parte ng buhay nila ang ama nila. Or should I say, magiging parte na siya ng buhay namin... ng mga bata.

Hindi ko pa nasasabi sa pamilya ko ang tungkol sa pagkikita ng mag-ama. Humahanap din kasi ako ng tamang tyempo para masabi sa kanila ang plano ko. Buti na din at napakiusapan ko ang mga anak ko na huwag munang magsabi o magkwento kina papa tungkol sa daddy nila. Lalo na kay Ate. Mainit pa naman ang dugo 'nun kay Howell. Ewan ko lang kung bakit.

Ayaw ko namang magsinungaling ang mga anak ko. Hindi naman sila magsisinungaling, ang akin lang ay huwag munang sasabihin. Buti na rin at parang makikisama ang panahon at naging busy sina Ate at Tita sa kompanya nila dito.

Pero pansin ko kay Ate Sam at Kuya Michael na parang iba ng pinagkakaabalahan nila. Hindi ko alam kung bakit pero iba ang kutob ko. Gusto kong magtanong sa kanya dahil hindi ko maiwasang makoryuso pero parang kinakabahan ako. Ewan ko.

Nasabi kong parang iba ang pinagkakaabalahan nila dahil alam kong sina Tita at Tito ang nag-aasikaso sa kompanya ngayon. Tumutulong din sa kanila si Fykes dahil palaging may lakad si Kuya Michael at minsan ay isinasama niya si Ate.

Siguro ay napaparanoid lang ako.

"MOMMY!"

"MOMMA!"

"MIMI!"

"MAMI!"

Nabalik ako sa reyalidad nang may sunod-sunod na tumawag sa akin.

Binalingan ko ang mga anak ko na kakalabas lang ng elevator at nag-uunahan sa pagtakbo papunta sa akin. Tumayo naman ako at natatawang ibinuka ang aking mga bisig para salubungin sila ng yakap. Muntik pa akong matumba dahil sa sabay nilang pagyakap ng mahigpit sa akin.

"Ang dudungis niyo na! Basang-basa na kayo ng mga pawis!" Natatawang ani ko.

Nakabusangot naman na humiwalay sila sa akin at isa-isang nagmano.

"We're mabango po kaya, mami." Supladong sabi ni Aphelion.

Napangiti ako sa "we're" niya. Simula nang pumasok kasi sila sa skwela ay kita ko talaga ang determinasyon nila sa pag-aaral. Lalong-lalo na sa r at s. And I can see na may improvement naman. Natagalan nga lang pero para sa akin ay isang achievement na yun. Kasi three years old pa lang sila pero they can speak english and tagalog na. And now they are working in pronouncing letters r and s correctly. Hindi ko naman sila minamadali dahil gusto ko rin naman na mag-enjoy sila sa pagiging bata. Plano ko nga na pag five years old na sila paaralin. Pero sadyang excited na talaga sila at mapilit na gusto na talagang mag-aral kaya naman pinagbigyan na namin. Kita ko naman na nag-aaral talaga silang mabuti. Sana nga ay tuloy-tuloy na hanggang sa paglaki nila. Kasi natatandaan ko noon na excited din akong mag-aral at pumasok sa skwela katulad nila, lalo na pagmalaki ang baon na pera. Pero habang tumatagal ay tinamad at nagsawa na rin ako, lalo na sa paggising ng maaga. Mabuti nga at nakaraos at sa awa ng diyos ay nakapagtapos ako ng pag-aaral. Kundi, naku talaga!

SOMEDAYWhere stories live. Discover now