CHAPTER 30

6.5K 261 330
                                    

Late na nang makauwi sina Jason karga-karga si Agapov at kasama nila si Ayza, ang girlfriend niya.

"Pinsan!" Tawag ni Jason nang makitang akong nakahiga sa sofa.

Pagod na pagod ako. Nag tagal kasi tumahan ng mga anak ko sa pag-iyak. Hindi ko rin sila maintindihan. At ang lalakas pa ng mga iyak nila. Parang, sumisigaw sila at parang galit?

Kaya ako ay tudo patahan sa kanila para tumigil na sila, buti na lang at saktong dumating si Manang Felicia mula sa pag-gogrocery at tinulungan niya ako sa pagpapatahan sa mga anak ko. Medyo nahiya nga ako eh. Kasi galing siya sa paggo-grocery ay alam kong pagod siya. Tapos pinatulong ko pa siya sa pag-aalaga ng mga anak ko.

Bumangon ako sa pagkakahiga nang makitang papalapit na sila Jason sa akin.

"Ate, alam mo bang iyak ng iyak itong si Agapov kanina! Medyo nataranta nga kami eh! Ang tagal tumahan!" Pagkukwento niya.

Umiyak din si Agapov? Ano? Parang may koneksyon silang apat at kung iiyak ang isa ay iiyak ang lahat?

"Oh. Tapos? Paano niyo pinatahan?" Tanong ko habang kinukuha ang gising na anak ko.

Dilat na dilat pa ang mata nito.

"Pumipila po kasi kami para magbayad na ng pinamili namin sa toy store kanina, pinsan dahil bumili kami ng laruan ng mga babies para may madala sila sa States bukas. Tapos habang pumipila kami, nasa likod kami ng lalaki na gwapo. Well, gwapo naman ako pero masasabi ko ding gwapo siya. Tapos ate, nang lumingon sa amin ang lalaki ay tumingin siya kay baby Agapov at tinanong ako kung anong pangalan ng baby. Syempre sinabi ko na Agapov Henderson Reyes Martinez. Tapos ate kita ko iyong panlalaki ng mga mata niya. Hahaha. Parang kanina lang siya nakarinig ng ganun kagandang pangalan. Tapos tinanong na naman niya kung saan ang mommy ng baby. At doon ako na amaze, pinsan! Kasi alam niya na hindi talaga namin anak si Agapov."

"Hahaha. Kasi hindi naman kayo magkamukha. Hindi din kamukha ni Agapov si Ayza, kaya masasabeng hindi niyo talaga anak ang anak ko. Hahaha."

"Tapos sinabi ko na nagpaiwan sa bahay kasama ang iba pang anak. Tapos ate, alam mo ba. Nagrequest pa siya na pwede ba dawng pakarga kay baby. Pero syempre hindi ako pumayag! Kahit naman wala sa itsura ng lalaking iyon ang pagiging kidnapper ay mahirap pa ring magtiwala 'no!"

Natawa ako sa pagkukwento ng pinsan ko.

"Tama!"

Pero parang may kung anong hindi mapangalanan akong naramdaman para doon sa lalaking tinutukoy ni Jason. Parang may kakaiba? Ewan. Hindi ko masabe.

Napatingin ako kay Ayza na tahimik lang sa tabi ni Jason. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya sa akin kaya ngumiti na din ako pabalik sa kanya.

"Hindi ba kayo sasama sa amin sa States? Diba gusto niyong magbakasyon?" Tanong ko sa kanya.

Nabanggit kasi nila na may balak silang magbakasyon nang pumunta sila dito.

Umiling si Jason. "Hindi na muna, pinsan. Pero napag-usapan naman namin ni Ayza na susunod na kami doon pag hindi na kami busy. Bibisita din kami sa inyo doon, pinsan. Tatapusin na muna namin ang mga trabaho namin dito." Sagot ng pinsan ko.

Napalingon naman ako kay Ayza at ngumiti namanito sa akin.

"Opo, ate. Baka susunod din kami sa inyo doon."

Tumango na lang ako.

"Sige. Basta tatawag kayo pag napagdesisyunan niyo nang sumunod sa amin doon. Para alam namin kung kailan kayo pupunta doon at nang masundo namin kayo sa airport. Okay?"

"Opo." Sabay naman nilang sagot.

Maya-maya pa'y may narinig na kaming sasakyan sa labas.

"Siguro, sina Tita Kathrina at Tito Dreck na yan." Ani ko.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now