CHAPTER 36

3.9K 150 48
                                    

Tanghali na nang dumating sina Tita Kathrina.

Agad ko naman silang sinalubong.

"Tita!" Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap na ikinatawa naman niya.

"Hahaha. I missed you, hija!" Aniya.

Humiwalay na ako sa yakap at tiningnan siya. "I miss you too, tita!"

"Mommy! You're here. I miss you, mom." Nagbeso sila ni Ate.

"I miss you too, hija! Namiss ko kayo!"

This year kasi ay once lang bumisita sina tita dito and that was 6 months ago. Matagal-tagal na rin.

"Papa!" Tinig ni Fykes sa likod ko na agad namang niyakap si papa.

Lumapit na rin ako sa kanila at nakiyakap.

"Wah! Papa! Namiss kita ng sobra!" Ani ko at humalik sa pisngi niya.

He chuckled. "Parang kailan lang tayo nagkita, mga anak."

"That was already six months ago, papa!" Pagmamaktol ni Fykes.

"Anak, masyado kasi kaming busy sa Pilipinas. At narinig kong, wala ka pa dawng girlfriend. Kailan mo ba ako bibigyan ng apo, Fykes?"

"Papa, wala pa nga po sa isip ko iyang mga bagay na yan."

"Naku, papa! Eh sa sungit ba naman niyan, paano iyan makakahanap ng girlfriend? Eh matabil ang dila niyan!" Sabat naman ni Ate.

Sa tinagal ng panahon ay nasanay na din si Ate na tinatawag si papa ng 'papa' . Awkward pa noong una, pero kalaunan ay nasanay na rin siya.

"Ate, simula bata pa lang ako ay ang tinuturo na sa akin ay 'Honesty is the Best Policy'. Kahit kayo 'no. And what's wrong about saying and stating the fact? Mas masasaktan ang tao kung magsisinungaling ka." Rason naman ni Fykes.

"Ang sa akin lang, ay kahit kaunting puri man lang na 'hey, you're pretty'  o di kaya'y 'hey, sexy' nang magkajowa ka man lang! Magkaroon ka naman ng konting sweetness sa katawan!"

"Eh, ate. Bakit ko naman sasabihing 'hey, you're pretty' kung wala namang parte akong nakikita na pretty siya. At bakit ko din naman sasabihing 'hey, sexy' kung hindi naman! Psh!" Naiinis na tuno ni Fykes.

"Eh sa kas--"

"Stop it already, guys." Saway ni papa sa dalawa kong kapatid. "Asaan na nga pala ang mga apo ko?"

And as a cue, nakarinig kami ng mga tawag at tili na paparating sa pwesto namin.

"Lola!"

"Lolo!"

"Papsi!"

Sabay-sabay na tawag ng mga bata sa mga bagong dating. Nagmano ang limang mga chikiting sa mga lolo at lola nila.

"We miss you, papsi!" Ani ni Ashford kay papa.

"It's been a while lola!" Ani naman ni Agapov kay Tita.

"We miss you too mga apo ko! Ang laki-laki niyo na!" Puna ni Tita.

Nagmano muna ako kay Tito Dreck, bago tumabi kina ate. Nakangiti lang kami ni Ate, Kuya Michael at Fykes habang pinapanood ang mga batang nakikipag-usap sa lola at mga lolo nila.

Naghahanda na ng pagkain ang dalawang nanny ng mga bata sa hapag.

"Nga pala mom, dad. Asaan nags-stay sina Jason?" Tanong ni Ate.

"Nasa resthouse sila ng mga Lopez. Ang iba niyo namang mga pinsan, kasama ang mga magulang nila ay nasa mga bahay nila dito. Pero ang sabi nina Jason ay dito daw sila tutuloy ng asawa niya. Nagmall muna sila para sa pags-stay nila dito. Magtatagal daw kasi ang mga 'yun dito. Dahil siguro hindi nakapaghoneymoon, kaya sinusulit na ang bakasyong 'to."

SOMEDAYWhere stories live. Discover now