5:20 pm nang makauwi kamu at pagod kaming lahat.
Ay, ako lang pala, dahil si Howell ay mukhang sanay na habang ang mga bata naman ay busy sa mga cellphones nila. Ayaw ko talagang pinapahawak ng gadgets ang mga anak ko lalo na't ang babata pa nila. Ang tukmol lang naman nilang ama ang may pasimuno niyan eh. Kakausapin ko ang mga 'yan mamaya.
Pero sa ngayon ay gusto ko munang magpahinga. Nananakit ang buong katawan ko lalong-lalo na ang mga balakang ko dahil hindi ako sanay na maglakad ng matagal. Naglakad lang kasi kami papunta sa mga destinasyon namin na sobrang layo sa isa't-isa.
Pumunta kami sa farm ng Idelson at saktong harvest session nila, dahil bida-bida ako ay nag-volunteered pa ako na sumali sa paghaharvest ng mga prutas at gulay. Ewan ko ba kung harvest ang matatawag dun kasi pitas-kain lang naman ang ginawa ko. Lalong-lalo na 'yung strawberries at mangoes nila. Nagdala pa nga ako pauwi eh. Hahaha. Habang ang mga anak ko naman ay busy sa pagkukuha ng mga litrato. Medyo nailang pa ako nang magrequest sila ng family picture churba-churba. Pero syempre hindi ako makatanggi sa mga bata kaya naman go lang ako ng go.
Pagkatapos naming mag-harvest kuno ay pumunta naman kami sa kung saan ang iba't iba nilang mga hayop. Kasama na dun si Howell. Chourout. Nagpakain kami ng mga kambing, baka, manok at mga baboy. Medyo nakakahiya nga sa mga trabahante doon eh kasi parang nakakaabala lang kami sa trabaho nila imbes na tumulong. Hahahaha. Nanghuli din kami ng mga isda- pero sina Howell at Manong Lando lang talaga ang namingwit kasi hindi naman kami marunong. Hehehe. Pero dahil kasama kami edi kasama din kami sa credits. Chourout!
"Oh andiyan na pala kayo! Tamang-tama at katatapos lang namin magluto."
"Mano po, lola!"
Isa-isang nagmano ang mga bata at nagmano na din ako.
"Kaawaan kayo ng Diyos. Mukhang pagod na pagod kayo ah?" Puna ni Manang Elizabeth habang nakatingin sa akin.
Hula ko hindi na maintindihan ng mukha ko dahil sa pagkahaggard.
"We enjoyed our activities, lola! Pumunta kami sa mga horses pero hindi kami pinayagan ni dad sumakay kasi hindi naman po daw kami marunong at baka po maaksidente kami. But it's okay! Pumunta naman po kami sa farm at nangharvest ng mga fruits and vegetables. Nagpakain din po kami ng iba't ibang klaseng animals at we also went to fishing but we don't know how that's why only dad ang lolo Mando did that activity. Nanood lang po kami, but we still enjoyed while watching them. Hehehe." Masiglang kwento ni Ashford.
"Oh, nakilala niyo na pala si Mando. Asaan na pala iyon? Bakit hindi sumama dito at nang makasabay natin sa hapunan?"
"He said there's a lot of things he needs to do. Pupunta nalang daw po siya dito kapag hindi na siya busy." Sagot ni Howell kay Manang.
"Ganun ba. Oh sya sige, magbihis na kayo at pagkatapos ay bumaba na kayo dito para kumain. Ihahanda ko lang ang hapag." Umalis na si Manang papunta sa kusina habang ako naman ay humiga ulit sa sofa ng sala at ipinikit ang mga mata.
Parang hindi ko na kayang maglakad pa papunta sa itaas. Jusko ng sakit-sakit talaga ng buong katawan ko. Kung nakakalipad lang talaga ako ay gagawin ko para- wait, bakit parang lumulutang ako? Huwag niyong sabihing nagkapakpak ako nang hindi ko nalalaman?
Iminulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang mala-adonis na mukha ni Fafa Howell- What the heck?! Tsaka ko lang narealised na buhat-buhat pala ako ng tukmol nang mag-umpisa na siyang maglakad habang dala-dala niya ako sa mga bisig niya.
"A-anong ginagawa mo? Ibaba mo nga ako!" Naglilikot ako para ibaba niya ako pero parang wala ata siyang balak pakinggan ako.
"It's obvious na hindi mo na kayang umakyat papunta sa itaas dahil sa pananakit ng katawan mo. Palibhasa hindi ka nag-eexercise kaya naman hindi sanay ang katawan mo sa pang-matagalang activities." Aniya habang seryoso paring nakatutok sa daan.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :