CHAPTER 86

1.5K 67 15
                                    

"Ate, can we talk?"

5:30 am pa lamang at kakagising ko lamang. Lumabas ako ng kwarto para sana uminom ng tubig nang makasalunong ko si Fykes.

Malamlam ang mga mata ko siyang tinignan. Nagpilit ako nang ngiti at bahagyang tinanguan siya bago nagpaunang maglakad.

Ang plano kong uminom sana ng tubig ay nawala na sa isip ko.

Sa upuan sa mga swimming pool area ako umupo at tumabi naman siya sa 'kin. Hindi ako umimik at nakatuon lang ang paningin sa pool.

"I... I actually don't know what to say, ate." Panimula niya. "I can't really relate to what's happening to you right now because I know nothing about these. But ate, I know it's so hard to forgive someone but please ate huwag na sanang lumala 'to, huwag niyo na sanang patagalin 'to. Hindi pa nagigising si papa, he's still in critical condition right now. And I know, you know that he wouldn't be happy if he will learn about this. Kaya sana magkaayos na kayo ni ate Sam."

Hindi ako sumagot at kinagat na lang ang pang-ibabang labi ko.

"You know, I also told ate Sam about this but you know she could be immature sometimes. She wouldn't listen to us unless it is in favor of her. Haha. Among of us three, she's the eldest yet the babied one." Bahagya pa siyang natawa kaya nadala din ako. "Ate, also among of us three you're the most understanding one. I know napapagod ka 'ring umintindi sa amin pero 'yan 'yung kailangan nina ate ngayon eh. Hindi sa may pinapaburan ako, may kasalanan talaga sila ate sa pagkakait ng katotohanan nila sayo. Hindi nila naisip ang mararamdaman o ang maiisip mo kapag ginawa nila ang bagay na 'yun. Inaalala lang nila ang mararamdaman nila, pero ate wala na tayong magagawa dun. Nangyari na 'yun eh. Sa tingin nila, sa ganoong paraan mas mapapagaan o mapapadali ang sitwasyon mo, sa tingin nila mas madali kang makakamove on kapag ganun ang ginawa nila. But they made a wrong decision. This will be a lesson to them, ate. Alam kong mahirap ang hinihingi ko sa 'yo pero ate sana ayusin niyo na 'to? Hindi lang kayo ang maaapektuhan kapag nagtagal pa ang gulong 'to. Pati na rin ang mga bata, ate."

Binalingan ko siya ng tingin at nakita kong nakatingin din siya sa akin at bahagyang nakaharap ng upo. "Nagmature ka na talaga." Komento ko.

"I have to, ate. In this kind of situation between us siblings, one of us needs to be a referee. And this time, I will be."

"Fykes, hindi ako galit sa kanila."

Nakita ko ang kaguluhan sa mga mata niya. "Then why are you fighting? Ba-"

Pinutol ko siya sa pagsasalita. "Hindi ibig sabihin na hindi ako galit ay hindi na ako nasasaktan. Hindi ako galit pero nasasaktan ako. Hindi ako galit pero nagdadamdam ako. Kasi Fykes, may nararamdaman din ako."

"Ate..."

"Nasasaktan ako kasi sa lahat ng tao sila pa talaga. Alam nila ang pinagdaanan ko kay Hardison noon. Sabi mo, wala na tayong magagawa kasi nangyari na. Fykes, kaya ako nasasaktan kasi nangyari na. Kasi tapos na." Bahagya akong natawa nang may tumulong luha mula sa mga mata ko. Pupunasan ko sana 'yun nang maunahan na ako ng kapatid ko.

"Tahan na, ate." Mahina niyang sabi.

"Alangan namang masaktan ako kahit hindi pa nangyayari, diba? Parang ang advance ko naman nun." Pagbibiro ko pa pero hindi nagbago ang itsura niya. Seryoso pa rin ang mukha nito kaya tumungo nalang ako. "Ito nalang ang magagawa ko, Fykes. Ang patuloy na masaktan ng masaktan kasi wala na akong magagawa para mabago ang mga nangyari. Kaya Fykes, magagawa kong mapatawad sila, magagawa kong makipag-ayos sa kanila pero kailangan ko pa ng oras para sa sarili ko. Kailangan ko pa ng oras masaktan para gumaling ako at makabangon uli."

"It's okay, ate. I understand and I know they will too. Just please don't push us away. Ang isa't isa nalang ang mayroon tayo. Sana hindi masira ng gulong 'to ang pagsasama natin. Please, ate?"

SOMEDAYWhere stories live. Discover now