CHAPTER 84

1.7K 72 38
                                    

I was so happy and feeling relaxed the whole time I was with Jake.

Pero alam kong kailan man ay hinding-hindi ko matatakbuhan ang mga problemang pilit kong iniiwasan.

It was 8pm nang ihatid ako ni Jake pauwi. Ayaw ko pang umuwi but he insisted that I should because someone is waiting for me.

I didn't even get what he really meant by that but then my sons faces waiting for me popped out in my mind.

Sikreto ko pang kinutusan ang sarili ko na nagfi-feeling teenager na nag-eemote sa kung saang lupalop ni hindi man lang napasok sa isip ko ang mga anak.

Am I a bad mother now?

"Sigena."

Binalingan ko si Jake at nginitian. "Salamat talaga, ah. Kahit papano napagaan mo ang loob ko. Kahit medyo panira ka ng moment."

Natawa siya sa huling sinabi ko. "You know I like you, Faye. And also we are best of friends before everything. Hindi ako nandito ngayon bilang lalaki na may gusto sayo, nandito ako bilang kaibigan na maaasahan mo."

"Yeah and so much thank you for being always there whenever I need you."

"And the squad will be there too, Faye don't forget it."

"Yeah. Pero hindi pa ata ako handang sabihin sa iba ang lahat lalong-lalo na ang mga nangyari ngayong araw. It's not that I don't trust them, of course, I trust them so much. B-but-"

"Shh. Huwag ka nang mag-alala pa, kung hindi ka pa handa na magbahagi o magkwento sa kanila ng mga problema mo sigurado naman akong maiintindihan nila. Just go easy on yourself."

"Yeah. Thank you so much."

Niyakap ko pa siya saglit bago ako lumabas ng tuluyan sa kanyang sasakyan. Hinintay ko muna siyang umalis at nang hindi ko na matanaw ang sasakyan niya ay naglakad na ako papasok ng building.

Napatigil ako sa lobby nang makita siya na nakaupo sa sofa na halatang may hinihintay.

Nakatukod ang dalawang siko niya sa kanyang tuhod habang ang baba niya ay nakapatong sa kanyang pinagsiklop na mga kamay.

Hindi ko na sana siya papansinin at lalagpasan na sana nang mabilis niya akong nakita at walang pagdadalawang-isip na hinarang ang dadaraanan ko sana.

"Faye, can we talk?"

"Please, Howe- oh right, Hardison. Huwag ngayon."

Hindi ko alam kung kailan ako masasanay na tawagin siya sa tunay niyang pangalan.

Hindi niyo naman siguro ako masisisi dahil ilang taon ko siyang nakasama at tinatawag na Howell. 'Yun pala hindi pala talaga siya 'yun.

"Please hear my side."

Sarkastiko akong tumawa at hindi makapaniwalang tiningnan siya. "Hear your side? Narinig ko na ang ginawang pag-amin mo kanina sa pangga-gago mo sa 'kin. Ano naman ang pinagkaiba ng side mo ngayon sa side mo kanina? So kaninang side mo kanan ngayon naman kaliwa ganun?" Pamimilosopo ko.

"Please stop being sarcastic."

"Then stop talking to me!" Mahinang asik ko sa kanyang dahil ayaw kong makaagaw ng atensyon ng maraming tao lalo pa't nasa lobby kami.

"No! Yes you heard me confessed earlier, but you never let me explain. Basta ka nalang umalis."

Aba, hanep 'tong gagong 'to ah. Bakit parang tunog kasalanan ko pa?

"Nangga-gago ka ba?" Bahagya pa akong lumapit sa kanya at diretso siyang tiningnan sa mata. "Sa tingin mo sa lahat ng mga nalaman ko kanina ay kakayanin pa ng utak ko ang eksplinasyon na pinagsasabi mo? Nakakabaliw!"

SOMEDAYWhere stories live. Discover now