"Make me a coffee, Faye. Low sugar."
I rolled my eyes for the ninth times!
Since earlier hindi na siya natigil sa pag-utos sa akin ng kung anu-ano kahit hindi naman parte ng trabaho ko ang ibang pinapagawa niya! And I don't know kung anong trip ng demonyong 'to kung bakit pinapahirapan na naman niya ako!
I gritted my teeth and took a deep breath to control myself to burst out because of annoyance and iritation towards him, before facing him with a fake smile on my plastered on face. Nagpipigil lang ako sa inis!
"Yes, sir." Magalang na sagot ko habang nakaukit parin sa mukha ko ang isang pekeng ngiti bago ko siya tinalikuran para maglakad papunta sa mini kitchen ng opisina niya at pinagtimpla siya ng kapeng palaging pinapatimpla niya sa akin.
Ang arte-arte ng lalaking 'to talaga kala mo kung sinong gwap- well, gwapo naman talaga siya.
Huwag marupok, Faye. Hindi ka sanga ng puno.
Nababaliw na ata ako. Kanina lang pinapatay ko siya sa isip ko tapos ngayon pinupuri ko na naman. Kainis! Eh kasi naman eh! Galing pa sa Russia ang kape na iniinom niya at hindi talaga siya umiinom ng ibang kape bukod dito. Simula noong mag-asawa palang kami ito na kape lang ang nakikita kong iniinom niya.
Napailing ako nang maalala na naman ang nakaraan.
"Sir, ito na-AY DEMONYO!" Nabitawan ko ang tasa ng kape na tinimpla ko dahil sa gulat.
Eh sino ba naman ang hindi magugulat eh pagkaharap ko ay nasa harap ko na siya nakatayo habang nasa loob ng dalawang bulsa ng pants niya ang magkabilang kamay niya! Hindi ko man lang siya naramdaman na lumapit sa akin!
"Howell naman! Bakit ka naman nanggugulat!" Inis kong bulyaw sa kanya pero kunot-noo lang niya akong tinignan kaya naman nagtaka ako. "Bakit g-ganyan k-ka makatingin?"
"You were spacing out earlier. What were you thinking?"
Napaiwas ako ng tingin. "W-wala, l-lutang lang talaga ako. Wala a-akong iniisip." Pagsisinungaling ko.
Alangan namang sabihin kong siya 'yung inisip ko kanina. Edi ano ang mangyayari? Psh.
"You're lying." He concluded.
Inis na binalingan ko siya ng tingin at pilit na sinalubong ang mala-tsokolate niyang mga mata. Palihim pa akong napalunok nang humakbang siya palapit sa akin habang hindi parin ako hinihiwalayan ng tingin.
Jusko naman.
"H-hindi ako nagsisinungaling! Totoo k-kaya!" Pagtatanggol ko pa sa sarili ko.
Bwesit naman, eh! Bakit ako nauutal?! URGH!
"Totoo na nagsisinungaling ka?" May panunuya sa tono niya.
"Oo, este- Hindi! T-totoo na wala akong iniisip! Iyon 'yung ibig kong sabihin! At tsaka pwede ba? L-lumayo ka nga sa akin!"
"Hahahaha."
Napatulala ako nang tumawa siya.
Sheyt. Ang manly naman ng tawa ng ex-husband ko. Pwede pakagat? Chourout.
"Hahahaha." Tawa pa niya. "Y-you're really funny, Faye. I'm just asking you. You sound so defensive." Naiiling niyang sabi at humakbang palayo sa akin.
Sa wakas nakahinga din ako ng maayos. Pero nainis din ako dahil natatawa parin siya. Namumula na nga ang mukha niya sa kakatawa.
"HA-HA-HA. Nakakatawa 'no? Oh tapos?" Pambabara ko sa kanya.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :