Pinanood ko siya habang naglilinis.
Ang kyut niya. Nakakunot pa ang noo at parang ang seryoso ng ginagawa niya.
Nang matapos siya ay bahagya siyang napatigil nang makita ako pero kalaunan ay nagpatuloy na rin.
"I told you to stay there." Sermon niya sa akin habang kumukuha ng baso at sinalinan iyon ng tubig.
Napanguso ako.
"Nangalay na kasi ako kakatayo habang naghihintay sa 'yo eh." Pagdadahilan ko.
"Edi sana umupo ka."
"Eh sabi mo, stay there lang eh. Hindi mo naman sinabi na umupo ako. At hindi mo rin naman sinabi na magtatagal ka. Kaya sumunod ako kasi baga nabigatan ka sa isang baso ng tubig." Biro ko.
Masungit niya akong tinapunan ng tingin.
"Charout! Smile ka naman diyan! Kanina pa ako nanonood sa 'yo! Ang seryoso mo masyado!"
Iniabot niya ang baso na may laman na ng tubig sa akin at agad ko naman iyong inubos. Syempre nauhaw ako. Kanina ko pa kayang gustong uminom ng tubig.
"Let's go." Aniya na ipinagtaka ko.
"Saan tayo pupunta?"
He rolled his eyes. Hahaha. Ang cute niya dun! "Sa taas syempre. Matutulog na tayo."
"Ah, okay."
Medyo na slow ako dun huh!
Inalalayan na niya ako sa paglalakad. Medyo nahirapan kasi akong iapak ang paa ko ng maayos sa sahig dahil sa benda na inilagay niya sa sugat ko.
Pati paghiga ay inalalayan pa niya ako.
Feeling ko chumachansing lang 'to eh. Chour! Prang tanga lang!
Nang tuluyan na akong makahiga ay nagtaka ako nang hindi pa siya humihiga. Pumunta lang siya sa pwesto niya at umupo sa kama habang nakasandal ang likod sa headboard.
"Sleep. I'll watch you."
"Huh?" Medyo na loading ako dun.
Ano daw? Sleep daw ako tapos panonoorin niya ako?! Eh paano ako makakatulog kung alam kong pinapanood niya ako?! Tanga lang? Chour.
Aminin, self. Kinilig ka nang slight sa sinabi niya kasi ang rupok mo! Hahaha! Parang tanga lang!
"I said, sleep. O kung sa tagalog ay matulog ka na. Baka kasi hindi mo alam yun o hindi mo maintindihan." Aniya na parang hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.
"Eksyus me, Mr. Idelson slash my hubby. Sabi mo lang sleep. Hindi mo sinabing, you sleep. So hindi matulog ka na. Kaya medyo na loading ako sa sinabi mo." Ani ko.
Mukha na siyang napipikon. Ewan ko ba pero parang nasa mood ako mamikon ngayon! Hahaha.
"Will you just fucking stop talking? And just fucking sleep?" Pagpipigil niyang inis.
Ayan na! Nagmumura na! Alam ko na iyan! Alam ko nang malapit na lumabas ang dragon sa katawan niya!
Pustahan tayo ouh! Hahaha.
"Grabe ka naman magmura." Ngumuso ako.
Hindi na siya nagsalita. Kita ko ang pag-igting ng panga niya. Nagpipigil siya sa galit.
"Hindi ako makatulog, asawa ko." Paglalambing ko.
"Then what do you want me to do with that?" Masungit niyang tanong.
"Kantahan mo naman ako." Request ko habang nagpa-puppy eyes.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"I don't know how to sing. And please, you're not a kid anymore."

YOU ARE READING
SOMEDAY
Genç Kurgu[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :