Hindi ako mapakali.
Naiiyak ako pero parang ayaw naman lumabas ng mga luha ko.
Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Howell papunta sa Hospital na dinalhan nila Fykes kay Papa. Siya ang nagmamaneho at katabi niya ako sa harap habang ang apat kong mga anak kasama ang Nanny nila ay iniwan na muna namin sa opisina dahil sa pagmamadali namin.
"H-Howell, pwede bang pakibilisan?" Naiiyak kong sabi.
Kung pwede ko lang paliparin 'tong sinasakyan namin ngayon ay baka kanina ko pa ginawa, mapadali lang ang rating namin sa hospital. Hindi sinabi sa akin ni Fykes kung bakit na-coma si papa.
Comatose.
Maiisip ko pa ang salitang yan ang kalagayan ni papa ay parang unti-unting gumuguho ang mundo ko.
Bahagya akong napatalon nang may maramdaman akong kamay na humawak sa aking mga kamay na nakakuyom sa ibabaw ng hita ko ngayon. Tiningnan ko si Howell na deritso at seryoso lang na nagdadrive gamit ang isang kaliwang kamay.
Naramdaman kong bahagya niyang pinisil ang kamay ko at sandali akong sinulyapan at nginitian ng konti.
"Don't worry, Faye. We are here for you. Magiging okay din si papa." Pagpapagaan ng loob niya pero parang hindi 'yun ang nangyari. Lalo na nang tawagin niyang papa si papa.
Hahaha. Sign of respect ba 'yun dahil mag-ex byanan sila? Well, okay lang naman sa akin 'yun dahil alam ko namang dapat hindi na damay ang pakikitungo niya kay papa sa kung ano man ang problema naming dalawa. Labas na ang ibang tao sa kung anumang meron sa pagitan naming dalawa ni Howell. Amin na lang 'yun.
"S-salamat." Iyon na lamang ang nasabi ko dahil sa pagkailang.
Mukhang naramdaman niya ang pagkailang ko sa kanya kaya naman mabilis niyang binawi ang kamay niyang nakahawak sa akin at nag-sorry.
"S-sorry. Your hands were shaking earlier, t-that's why..."
Tumango lang ako at nag-iwas na ng tingin sa kanya.
Maya-maya pa'y naramdaman ko na ang pagtigil ng sasakyan. Sandali kong nakalimutan ang kalagayan ngayon ni papa dahil kay Howell.
Nang tuluyan nang makapagpark ng maayos si Howell ay walang sabi-sabing nagmamadaling tumakbo ako papasok sa hospital nang hindi man lang hinintay ang kasama ko at tinanong agad ang unang doktor na aking nakita.
"D-doc, an old man was rushed earlier and is now c-comatose? Do you know where is he?" I nervously asked him.
"Many old men rushed today, Ms. I don't know which of those you are referring to. You can ask those nurses there." Sagot niya sabay turo sa station ng mga nurse.
"Thank you, doc." Mabilis kong sabi at nagmamadaling lumapit sa station ng mga nurses.
May naramdaman din akong nakasunod sa akin sa likod at sa amoy at aura niya pa lang ay alam ko ng si Howell 'yun, pero hindi ko na siya pinagtuonan ng pansin.
"E-excuse me?"
The nurses diverted their attention on me and then to the guy behind me. I saw how their eyes twinkled when they saw Howell.
"Y-yes, sir?"
Kita mo 'tong mga 'to. Ako ang nagsalita tapos si Howell ang tinitingnan at kinausap. Tusukin ko yang mga mata niyo eh!
Naku pag ako hindi nakapagpigil ay sasabunutan-- wait. Bakit ko naman sila sasabunutan? Bahala sila kung tignan nila buong magdamag ang demonyong yan! Wala akong pake! Ipakain ko pa sa kanila yan eh. Ang pinunta ko dito ay si papa!
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :