"Pagod na ako, Howell."
Mas lalong dumilim ang mukha niya pero hindi ko na siya pinansin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa guestroom na tinutuluyan 'ko.
Kinuha ko ang nag na dala ko nang unang araw na pumunta ako dito.
Siguro, oras na para sumuko ako diba? Wala naman sigurong masama kung magpapahinga muna ako at lalayo sa mga pasakit?
Inilagay ko na sa bag ang mga damit ko. Hindi ko na isinama ang mga damit na binili sa akin ni Howell. Hindi naman akin 'yun eh.
Kinuha ko na rin ang baby bag na may lamang mga damit ng mga anak ko.
Habang nag-iimpake ay naninikip ang dibdib ko.
Nang matapos ako sa pag-iimpake ay sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Howell. Agad na dumapo ang tingin niya sa mga bag ko na nasa itaas ng kama.
Nag-igting ang bagang niya at nakita kong kumuyom ang kamao niya.
"What do you think you're doing?" May diin niyang tanong.
Mapait akong ngumiti sa kanya.
"Pagod na ako, Howell..." Pagak pa akong natawa sa sarili ko. "Akalain mo 'yun Howell? Marunong din pala akong mapagod? Akala ko kasi, kaya pa eh. Akala ko aabot pa ako ng dalawang buwan." Napaiyak ako.
Gusto kong ibuhos ang nararamdaman ko dito. Dahil pagkalabas at pagkalabas ko sa bahay na 'to ay ipapangako ko sa ssrili ko na hindi na ako iiyak dahil sa lalaking 'to.
"Narinig ko kayong nag-uusap ni Mia nung araw bago siya umalis patungong Palawan. Ikaw mismo ang nagsabi na, ayaw mo sa akin. Ayaw mo sa mga magiging anak natin. At pagkatapos ng apat na buwan, ididivorce mo na ako at aabandunahin." Para na naman akong baliw na tumawa. "Ako lang naman 'tong pinipilit ang sarili ko sa 'yo eh. Kaya hindi kita sisisihin kung nasasaktan man ako."
Malamig lang ang mukha niya pero kita ko ang mga ginawang paglunok niya habang nagsasalita ako.
"Kaya k-kagaya ng sinabi ko sa 'yo nun. Ako na mismo ang lalayo. Huwag kang mag-alala, ako na mismo ang magfafile ng divorce papers para sa 'yo. Pipirmahan mo na lang 'yun."
Sa bawat pagsasalita ko ay parang nasasakal ako dahil hindi ako makahinga sa sakit.
Ganito pala talaga kasakit 'no?
Ang pakawalan ang taong kailanman ay hindi naging sa 'yo.
"Do you think I will let you do that?" Malamig niyang tanong.
"Oo." Napahagulhol ako. "Kasi s-sa nakikita ko, masaya ka kahit wala ako. Magkakapamilya na kayo ng babaeng mahal mo. Pagka-approved ng divorce natin ay pwede mo na siyang pakasalan. D-diba, yun naman ang pangarap mo?"
"Why are you giving up? Why are you leaving?"
"Cause I think, it hurts a little bit too much. To the point that I'm losing myself."
"Tch." Singhal niya. "You're overreacting, Faye. Wala kang karapatang masaktan! Hindi ka dapat kaawaan---"
"Tama na, masakit na."
"---wala kang karapatang tapusin ang larong 'to kasi hindi pa tayo nag-uumpisa!"
"TANGINA, HOWELL! Ako yung dapat na nagagalit dito eh. Kasi ako yung umasa, pinaasa, ginago, sinaktan, nasaktan at... at patuloy na nasasaktan." Napaiyak ako sa katutuhanang iyon.
Tangina talaga.
"WALA KANG KARAPATAN NA SABIHAN AKONG WALA AKONG KARAPATANG MASAKTAN! DAHIL LAHAT NG MGA NAGMAMAHAL NA HINDI MINAHAL PABALIK AT NAGPAPAKATANGA AY NASASAKTAN DIN! PUTANGINA MO HOWELL!"
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :