"F-Faye, kasi..."
"May gusto po ba kayong sabihin sakin, mommy?"
"Faye---" Magsasalita na sana siya nang biglang may isang matinis na boses ang sumigaw.
"LOLA!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yun at nakita ko ang isang pamilyar na batang babae na nakasuot ng kulay black t-shirt na pinatungan ng kulay pink na jumper.
Tumakbo ito papunta sa kinaroroonan namin at yumakap sa mga binti ni mommy dahil sa liit nito.
"Lola!" Tawag niya ulit kay mommy and then she giggled.
Napalayo si mommy sa akin dahil sa nakayakap sa kanya ang bata. Tumingin muna siya sa akin bago niyuko at nginitian ang bata. "Oh, Massey what are you doing here?" Tanong niya sa bata at pasimpleng pinunasan ang kanyang mga mata.
Mukhang napansin ng bata ang pagpupunas luha ni mommy kaya nagbago ang mukha nito. Mula sa nakangiti napalitan iyon ng masungit at may pagtatakang mukha.
"Did you cwy, lola?" Bulol na tanong ng bata kay mommy bago masungit na bumaling sa akin. Napatayo na rin ako sa pagtataka dahil sa ibang klase ng tingin ng bata sakin. "Naaway mo ba ang lola ko?" Galit nitong tanong sa akin.
Hindi ako nakapagsalita. Medyo nainis din ako sa sinabi ng batang 'to. Bakit naman niya iisiping ako ang nagpaiyak sa lola niya? Naku, kung hindi lang 'to bata baka kanina ko pa 'to pinatulan.
"Massey, don't talk to her like that. Mas matanda siya sayo at dapat ginagalang mo siya." Pangangaral ni mommy sa bata.
Tumingin ang bata pabalik kay mommy. "But lola, she made you cwy!"
"Massey, she didn't made me cry. It's not her fault so don't talk to her like that!"
Napayuko ang bata at maya-maya pa'y narinig ko itong suminghot at umaalog pa ang balikat, tanda na umiiyak ito.
"I'm s-sowwy po."
Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak ang bata. Tahimik lang ako nasa gilid nila habang pinapatahan ni mommy ang batang si Massey ang pangalan ata, dahil yun ang narinig kong tinawag ni mommy sa bata.
Ngunit tila napantig at tumigil ang mundo ko nang may maramdaman kong may marahas na humaklit sa braso ko at sinalubong ako ng isang malakas na sampal. Napatabingi pa ako sa lakas ng sampal ng kung sino man yun. Tila namanhid ata ang buo kong mukha.
Wala sa sariling napahawak ako sa nasampal kong pisngi at sandali pa akong hindi nakagalaw sa dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi agad nagsink in sa akin na sinampal ako.
SINAMPAL AKO! AT ANG LAKAS NG PAGKAKASAMPAL NA 'YUN! BWESIT!
"Bitch!"
Nagising ako sa pagkatulala at tila nabuhay ang nag-aapoy kong galit sa kaloob-looban ko nang marinig ang boses na yun.
Marahas kong nilingon ang kung sino mang kampon ni Satanas ang sumampal sa akin. At hindi nga ako nagkamali, ang babaeng sumampal sa akin ay walang iba kundi ang dati kong ahas na kaibiga... si Mia.
"Bakit mo 'ko sinampal?" Nagpipigil kong tanong sa kanya. Kasi kung hindi ako magpigil baka kanina ko pa siya binugahan ng apoy sa galit ko na nararamdaman ko.
Hindi siya nagsalita at ngumisi lang siya. Nang-uuyam niya pa akong tiningnan na parang sinasabing nanalo siya.
"Well, you deserve it." Sagot niya na nagpagigil pa sa akin ng husto.
Baliw na ata ang babaeng 'to. Dapat ienroll ko na 'to sa isang Mental Institution.
Sa pagkakaalam ko siya dapat yung sinasampal ko eh. Siya 'yung nangsulot ng asawa na may asawa na. Ngayon siya pa ang may lakas loob na sabihin sa akin na deserve ko ang sampal na 'yun?
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :