"H-hindi. Hindi ako ang nanay mo, Faye."
Tiningnan ko si tita Kathrina, ang mommy ni Sam.
"Hindi ako ang mommy mo, F-Faye..." Ulit niya sa sinabi.
Nanunubig ang mga mata ko.
"K-Kung ganun, s-sino p-po? M-may nagsabi po na magkamukha t-tayo. T-tapos, nung una po tayong nagkita ay kita k-ko po ang gulat sa mukha n-niyo. P-pero pinag sa walang bahala ko na l-lang p-po yun. K-kung h-hindi po kayo ang n-nanay ko, s-sino po?"
Atat na atat na akong malaman at makita ang nanay ko. Ni hindi ko man lang natandaan kung ano ang mukha niya. Kung paano siya pag-ngumiti, kung paano siya pag-umiiyak o malungkot.
Ang dami ko nang iniisip. Ang dami ko nang isipin.
"K-kapatid k-ko ang mommy mo, Faye." Napaangat ako sa sinabing 'yun ni tita. "H-hindi lang b-basta kapatid. K-kakambal ko ang nanay mo, Faye. Identical twin."
Napatigalgal ako sa sinabi niya. All this time, nasa harap ko lang pala ang mga taong kilala ang nanay ko. All this time, kilala, kaharap at kausap ko lang pala ang kapatid ng nanay ko. At kakambal pa talaga!
Tiningnan ko si Sam na umiiyak sa gilid ni tita.
"T-then, p-paano ko siya naging kapatid? Diba, d-dapat magpinsan kami?"
Umiling si tita sa tanong ko.
"A-adopted daughter lang namin siya, Faye. S-siya ang unang anak n-ng mommy niyo."
Naguguluhan na ako sa mga nangyayari at natutuklasan ko ngayon-ngayon lang.
"H-huh? Paano?"
Inabot ako ni tita at niyakap. Pagkatapos ng mga ilang sandali ay kusa din siya kumalas at iminuwestra ang upuan na pinapaupo ako.
Dahil sa panghihina ay nagpadala nalang din ako at umupo.
Tumabi naman agad sa kabila ko si Sam na umiiyak pa rin at sa kabilang gilid ko ay si tita naman.
"C-college kami nun ni Katarina, ang kakambal ko na mommy niyo." Pagsisimula ni tita sa pagkukwento at tahimik lang ako. "Kilala bilang strikto at matakaw sa business ang mga magulang namin. Malalaki ang standards nila at hangal din sa pera. Nung mga panahon na 'yun, ay boyfriend na ng mommy niyo and daddy mo, Faye." Yumuko siya at huminga ng malalim na para bang ang hirap ipagpatuloy ng sasabihin niya bago tumingin ng deritso sa akin. "P-pero kailangang makipaghiwalay ng mommy mo sa daddy mo dahil tinakot nina mama at papa, ang lola at lolo niyo na mga magulang namin si Katarina. Na kapag hindi niya hiniwalayan ang boyfriend niya, ay sisirain ng lolo't lola niyo ang buhay ni Felix."
Felix Galileo Reyes Martinez ang buong pangalan ni papa. Noon, akala ko nga na apelyido ni mama ang Reyes dahil sa pagkakaalam ko ay apilyedo ng ina ang middle name ng anak. Pero kalaunan ay ipinaintindi ni papa na middle name niya at apelyido ang dala namin ng kapatid ko.
"W-walang magawa si Katarina kundi ang sumunod. Okay sana kung mayaman si Felix pero pinaimbestigahan nina mama't papa na isa lamang di hamak na scholar si Felix sa paaralang pinapasukan nila."
Napaiyak ako doon. Kahit naman mahirap lang kami ay sa tingin ko ay napalaki kami ni papa ng maayos.
"Nang maghiwalay sila ay galit na galit si Katarina kay mama't papa. D-dumating pa sa p-puntong malapit na siyang m-mabaliw ng t-tuluyan." Napahagulhol si tita habang nagkukwento. "M-mas nawala pa siya sa sarili niya nang ipakasal siya ng lolo't lola niya sa isang mayaman na matanda, na ama ni Sam. N-nung ikasal sila ay pinagmalupitan siya ng napangasawa niya't na pilit na makipagtalik sa mommy n-niyo, k-kaya nabuo si Sam. H-hindi alam ng mommy niyo ang gagawin nun. Nabaliw na siya ng tuluyan pero k-kahit nawala na siya sa katinuan at kailanman ay hindi nasagi sa isip niya na ipalaglag si Sam dahil wala naman daw kasalanan ang bata. Bilib din ako nun, nang magtatlong buwan na ang tiyan niya ay pilit niyang inayos ang sarili p-para sa magiging anak niya. K-kahit anak niya pa yun sa hayop na nananakit sa kanya ay mahal na mahal niya pa rin si Sam dahil anak niya pa rin daw ito. Nang malaman ng asawa niya na buntis si Katarina ay tumigil na ito sa pagmamalupit sa kanya. Pero nang kabuwanan na ni Katarina ay umandar na naman ang pagkademonyo ng asawa niya. H-hindi na niya kinaya ang pananakit ng asawa niyang si Emanuel, k-kaya naman ay... ay... na--napatay niya 'to."
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :