CHAPTER 39

3.9K 135 11
                                    

Naglalakad  ako ngayon pauwi sa bahay.

Galing ako sa paghahanap ng trabaho at ang sabi ng iba ay tatawagan na lang daw ako pagnatanggap na ako.

Tukwa naman oh! Alam ko na yang mga style nila na bulok. Sasabihing tatawagan na lang daw pagnatanggap na, pero simula pa lang ay hindi na talaga tanggap. Kaya kadalasan ang iba ay umaasa talaga.

Mga paasa!

Huhuhu. Sayang ang pamasahe ko. Putakte kasi eh! Bakit ba kasi ako natanggal doon sa bangko na pinagtatrabahuan ko. Well, alam ko naman na kung ano talaga ang dahilan. Pero kasalanan naman iyon ng costumer eh!

Kasi naman. Busy ang lahat dahil syempre maraming trabaho at 'fist come, first serve' talaga. Eh kaso iyong babae na mukhang nilunod ang mukha sa harina dahil sa kapal ng foundation, ay bigla-bigla na lang sumingit at sinasabing dalian ko daw. Eh sa hindi naman papel niya ang hawak at inaasikaso ko. Putake talaga! Kaya ayun, dahil hindi ko siya pinansin ay bigla na lang niya akong sinabunutan. Syempre, hindi ako papatalo 'no! Sinabunutan ko din siya! Akala niya, huh! Kaso, ang kapalit nun ay natanggal ako sa trabaho. Buset talaga! Nakakairita!

Bagsak ang balikat ko habang naglalakad sa side walk papunta sa amin. Naglakad lang ako kasi malapit lang naman, sayang pamasahe. At saka isa pa, konti na kang ang pera ko. Nahihiya na din ako kay papa, dahil hingi ako ng hingi sa kanya. Huhuhu.

Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho sa lalong madaling panahon!

Bigla na lang akong napahinto sa paglalakad at bumagsak ang pwet ko sa semento nang may mabangga akong matigas.

Shet! Ang sakit!

Nang mag-angat ako ng tingin sa nabangga ko ay nanlaki talaga ang mga mata ko.

It's been what? It's been 3 years since we last saw each other. And I could say, he changed... a lot.

Mabilis akong tumayo at tumi-tiling yumakap sa kanya.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now