"PUTANGINA, FAYE! ANG EXCITED NAMAN ATA NG MGA ANAK MO! EH SA SUSUNOD NA DALAWANG LINGGO PA DAPAT ANG LABAS NG MGA YAN AH!" Putak ni Ate Sam.
Kasalukayan kaming nasa loob ng sasakyan ngayon papunta sa pinakamalapit na hospital nina Tita Kathrina na ngayon ay pagmamay-ari na ni Ate.
Kanina pa putak ng putak si Ate at kung makasigaw ay parang siya ang eere!
Masakit na nga ang tiyan ko, pati tenga ko ay nagsisimula na ding sumakit dahil sa lakas ng boses niya.
Nasa kabilang sasakyan ang mga pinsan namin pati sina Michael.
Sina, Tita Kathrina, Tito Dreck, Ate Sam at Manang Felicia lang ang kasama ko dito sa sasakyan. Si Tito Dreck ang nagdadrive ng van.
"Dad! Baka pwede pong paliparin ang van papuntang hospital!" Sigaw na utos ni Ate kay Tito Dreck na parang ang simple lang nung pinapagawa niya.
"Sam! Can you please calm down, hija? Parang ikaw pa ang manganganak!" Saway naman ni Tito.
"Eh kasi dad eh! Sana iyong helicopter na lang ginamit natin! Chour!"
Nagawa pa talagang magbiro nitong kapatid ko.
"A-ang sakit! A-ate! A-ang sakit na." Pagpipigil ko ng sigaw dahil sa sobrang sakit na.
"Masakit?" Tanong niya.
Mabilis akong tumango.
"ABA! Nasarapan ka sa paggawa, kaya dapat ihanda mo rin ang sarili sa sakit! Tiisin mo yan! Malapit na tayo!"
Kahit ganyan si Ate ay kita ko sa mga mata niya na hindi din siya mapakali. Nanginginig din ang mga kamay niya at tudo lunok. Kaya alam kong nahihirapan din siya na makita ako sa ganitong sitwasyon. Taliwas kasi sa mga lumalabas sa bibig niya ang mga kilos niya at mga emosyon sa mga mata niya. Hindi lang halata kasi sadyang madaldal lang talaga siya.
Tiniis kong hindi sumigaw at ininda ang sakit.
Huhuhu. Babies, sana huwag niyo pahirapan si mommy, huh?
Maya-maya pa'y naramdaman ko nang tumigil ang sasakyan.
At naramdaman ko din na lumabas na ang ibang kasama ko.
Hindi ko na maimulat nang maayos ang mga mata ko dahil sa panghihina ko.
"Nurse! One wheelchair for here!" Rinig kong sigaw ni Tito Dreck.
"I'll carry her." Rinig kong baritong boses ni Kuya Michael.
At naramdaman ko na lang na naiangat na ako sa ere at nagsimula nang maglakad ang nagbubuhat sa akin.
"You're going to be officially a mommy a little later, Faye." Mahinang sabi ni Michael na kaming dalawa lang ang nakakarinig.
Ipinilit kong imulat ang mga mata ko para makita siya.
Nakatingin lang siya sa daan naman at may munting ngiti sa labi.
"T-thank y-y-you, K-Kuya Michael." Nanghihinang sambit ko at pinilit siyang bigyan ng maliit na ngiti.
"Urgh! Ang awkward pa rin na tinatawag mo 'kong 'Kuya' ,hindi ako sanay. Hahaha."
Natahimik na lang ako at ipinikit ulit ang mga mata dahil sa panghihina.
"We're here." Anunsyo ni Kuya Michael at naramdaman ko na lang ang malambot na kama sa likod ko.
Nakapikit pa rin ang mga mata ko.
"Dok! Manganganak na po ang kapatid ko!"
"K-kapatid niyo po 'to, Mrs. Cruz?" Tanong ng sa tingin ko ay doktor.

YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :