Kinaumagahan ay balik na naman sa dati na parang walang nangyari.
Naglalambing, kahit hindi niya pinapansin , inaalagaan ang asawa kong demonyo...sa gwapo. Hehehe.
Next week na ang first anniversary namin! Exzoyted na si ako! Nag-iisip na nga ako nga pa lang eh. Kung magpapagawa ba ako ng cake o ako mismo ang gagawa.
Pero diba mas meaningful kung sariling gawa ko? Kaya naman napagdesisyunan kong ako na lang ang gagawa ng cake namin.
Favorite ni Howell ang cookies and cream na flavor. Baka may ganun din na flavor ng cake, diba? Isesearch ko na lang.
"Faye, clean the house. Mia's going home tonight." Utos ng asawa ko sabay tayo dahil tapos na siyang kumain.
Hehehe. Sabay na rin kaming kumakain! Share ko lang! Kasi kinikilig ako.
"Dito rin ba siya matutulog?" Tanong ko habang inaayos na ang baon niya at ibinigay sa kanya.
Kinuha naman niya 'yun at tinaasan ako ng kilay dahil sa tanong ko.
"Of course. Uuwi nga diba? So dito. And you will be sleeping at the guest room tonight."
Nagtiim-bagang ako sa narinig at nag-iwas ng tingin. Pilit kong isinisiksik sa utak ko na wala akong dapat ikaselos kasi una pala ay alam ko na kung ano ang meron sa amin.
Pero may karapatan naman siguro akong masaktan diba? Kasi minahal ko siya o mas tama sigurong sabihin na, kasi mahal na mahal ko siya, sobra.
"O-okay. S-sa guest room ako matutulog." Kunti na lang at mababasag na ang boses ko.
"Like you have a choice..." He said at umalis na sa lugar.
Nang marinig ko ang sasakyan niyang umalis na at masigurong wala na talaga siya ay tila bumigay na tuhod ko kaya napaupo ako pabalik sa upuan ko. Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko at napahikbi ako ng malakas.
Tangina! Hanggang dito na lang ba talaga kami?
Nang huminahon na ako ay iniligpit ko na ang pinagkainan naman at hinugasan.
Nilinis ko ang bahay kagaya ng gusto ni Howell. Mga dapit hapon na ako natapos at wala pa akong kain. Kaya naman pagkatapos kong maglinis ay kumain na ako at hinugasan ang pinagkainan ko bago umakyat sa itaas para maligo na at makapagbihis.
Bibili ako ng mga ingredients ngayon. Binigyan kasi ako ni Howell ng pang-groceries kaya isasama ko na lang sa pagbili ng ingredients ng lulutuin ko sa anniversary namin. Malaki-laki din naman ang ibinigay niyang pera kaya siguro kasya na.
Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba na ako dala ang bag na may lamang cellphone at pera ko.
Naglakad lang ako palabas ng village kasi wala namang taxi sa loob. Nang makarating ako sa labas ng village ay nakakita agad ako ng taxi kaya pinara ko iyon at sumakay na.
"Sa pinakamalapit na mall po tayo kuya." Saad ko.
Habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bahay habang hinihimas ang tiyan ko.
"Ma'am, kaano-ano niyo po si Mrs. Lopez?" Tanong ng driver. Napabaling ako dito.
"Mrs. Lopez?" Pabalik na tanong. Hindi ko kasi alam ang pinagsasabi neto. Wala din naman akong kilalang Mrs. Lopez.
"Opo, yung may-ari po ng pinakamalapit na hospital dito, pero ang pagkakaalam ko ay inilipat na sa anak niya ang pangalan ng hospital." Aniya.
Pinakamalapit na hospital dito? Ang hospital nila Samantha ba ang tinutukoy ni manong driver?
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :