CHAPTER 2

5.4K 167 168
                                    

Habang naglalalad ay napatigil muna ako na maliit na parke sa loob ng village namin at nagpahinga muna sa swing. Hehehe. Mukhang pagod na ang baby ko. Hehehe. Pagod na rin ako.

Napasulyap ako sa masayang pamilya sa di kalayuan, kumakain ng ice cream ang batang babae na sa tingin ko ay nasa 4-6 years old at nakapajama pa ito na color baby pink. Hehehe. Ang cute. Kandong siya ng kanyang ama at ang isang kamay naman ng lalaki ay nasa beywang ng babae at pinapanood ang anak na kumakain ng ice cream.

Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko, at ngumiti.

"Hehehe. Excited na akong lumabas ka, baby. Tapos mamasyal tayo kasama si daddy mo. Hehehe. Sigurado ako na aabsent talaga ang daddy mo para lang makasama tayo. Hehehe." Sabi ko habang hinahaplos ang tyan ko. "Sigurado na matutuwa iyon paglumabas ka na. Hehehe."

Ilang minuto pa akong nagpahinga doon, pagkatapos ay nagsimula na namang maglakad papunta sa hospital.

Nang makarating ako doon ay napahinga ako ng malalim at napaupo sa may tabi na upuan ng isang buntis. Medyo, sumasakit na iyong balakang ko sa kakalakad. Siguro tama si Howell, kailangan ko nga talagang kumilos para masanay at para na rin hindi na ako mahirapan sa panganganak ko.

"Ilang buwan na yang sa 'yo?" Tanong ng katabi ko, kaya napatingin ako sa kanya.

"Sa akin?" Tanong ko.

"Oo. Hehehe. Samantha Cruz pala." Sabay lahad niya ng kamay.

Inabot ko rin iyon at ngumiti. "Ah, ako pala si Faye Isabelle Idelson. Hehehe. 6 months na ang tiyan ko."

"Wow. Six months pero ang laki-laki na." Hindi ito makapaniwalang tumingin sa tyan ko. "Sa akin nga 7 months na pero mas maliit pa sa iyo."

"Hehehe. Ewan ko ba. Siguro, malaki ang bata. Kain lang kasi ako ng kain."

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa may tumawag kay Samantha na lalaki.

"Ito na iyong mangga na may bagoong, hon." Sabay abot ng lalaki ng isang transparent tupperware na may maraming hilaw na mangga at bagoong din.

"Thank you, hon. Upo ka na. I love you!" Ani ni Sam.

"No worries, hon. I love you, too." At hinalikan si Sam ng lalaki sa noo.

Medyo nakaramdam ako ng kirot sa dibdib habang pinapanood sila. Bahagya ko pang kinati ang dibdib ko dahil sa kirot na naramdaman. Hehehe. Siguro, miss ko lang ang asawa ko. Kaya naman ay yayain ko siyang magdate mamaya para sabihin ang gender ni baby. Hehehe.

"Gusto mo, Faye?" Alok ni Samantha.

"Hindi. Okay lang ako." Pero sa totoo lang ay naiingit talaga ako sa kinakain niya kaya nilibang ko na lang ang sarili sa pagtingin-tingin sa mga poster ng buntis sa mga dingding.

"Sa totoo lang ay nung five months palang ako tumigil sa paglilihi. Pero natatakam pa rin ako sa mangga! Hahaha!Ano nga pala ang pinaglihian mo, Faye?"

"Ah. Uhmm, wala naman akong pinaglihian. Kahit ano naman na pagkain ay okay ako." Pagsisinungaling ko.

Sa totoo lang ay nagca-crave ako ng kambal na strawberries. Kaso, ayaw ako bilhan ni Howell dahil marami naman daw pagkain sa bahay, iyon na lang daw ang kainin ko. Kahit ngayong malaki na ang tiyan ko ay gusto ko pa ring makatikim nun! Natatakam pa rin ako na kumain nun!

Hehehehe.. Naiiintindihan ko naman siya. Nakakasama naman talaga sa baby kung puro sweets lang ang kakainin ko. Dapat talaga ay masustansiyang pagkain. Kaya tinitiis ko na lang na manood ng video sa youtube na kambal na strawberries. Hehehe. Kontento na ako sa ganun.

"Ah, Sam. M-magkano nga pala ang check-up at ultrasounds?" Tanong ko. Baka kasi kulang ang pera ko eh, hindi nalang ako tutuloy.

"Pangatlong balik na namin dito. 2,500 ang nababayad namin sa ultrasound at check-up." Aniya.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now