Kahit na tulala at lutang ay pilinit ko pa ring bumaba para kumain.
Ano ba talagang nangyari bago ako mawalan ng alaala?
Bakit ko sinabi sa sulat sa likod ng ultrasound na hindi kami pinili ng daddy ng mga anak ko?
Dahil ba, mas pinili niya na lang isuko ang buhay niya at magpahinga kaysa ang lumaban para makasama kami?
Kung ganun, bakit parang galit sina ate kapag tinatanong ko sila tungkol sa asawa ko at sa buhay ko nun?
"Pinsan!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin.
Si Jason, ang slow kong pinsan pero may maipag-mamayabang din namang angking magwapuhan.
Kamot batok itong lumapit sa akin.
Feeling ko may kuto 'to sa batok niya eh. Palaging nagkakamot-batok. Kaya minsan nababatukan ito ng iba naming pinsan.
Nang tuluyan na itong nakalapit sa akin ay ibinulsa na niya ang kamay niya at ngumiti.
"Sinabi sa akin ni ate Sam na sunduin kita sa kwarto mo. Nasa likod bahay sila kumakain na." Aniya.
"Ah. Sige."
Maglalakad na sana ako nang bigla niya akong hinawakan para pigilan.
Napatingin ako sa kanya na nagtatanong at nagtataka.
"Bakit?"
Nagkamot-batok na naman siya.
"Sinabi sa akin ni ate Sam na sa kwarto kita sunduin. Kaya balik ka na sa kwarto mo at doon kita susunduin."
Napatampal na lang ako sa noo ko.
Ang slow talaga nito! Konti na lang at hindi na ako makakapagtimpi dito!
Huminga ako ng malalim at binigyan siya ng pekeng ngiti.
"Jason, nandito na ako. Huwag mo na akong pabalikin dun." Nagtitimpi ko sabi.
Ngumuso ito at kumikibot-kibot ang labi na para bang naiiyak na.
"P-pa-papagalitan na naman nila ako! Babatukan na naman nila ako!" Parang batang pagsusumbong niya.
Hindi ko alam kung may problema ba ito sa pag-iisip o ano.
Pero ang alam ko ay may girlfriend na 'to eh! Pero kung umasta ay parang bata! Bata pa sa bata!
"Hindi ka nila papagalitan. Halika na." Yaya ko sa kanya at nagpatiuna nang maglakad.
Naramdaman kong sumunod siya sa akin. Nilingon ko siya at bahagyang napatawa nang makitang natatago siya sa likod ko.
Nang makarating kami sa likod bahay ay nakita ko ang mahabang mesa. Andoon ang mga pinsan ko, ang ate at asawa niya na karga ang anak nila, si tita at si tito. Kami na lang ni Jason ang kulang.
Agad silang napalingon sa amin.
"Oh! Andito na si Faye! Halika na, pinsan! Kumain ka na!" Sabi ni Eury, ang abogado kong pinsang babae.
Ang iba naming pinsan ay nakapagtapos na ng pag-aaral at may mga trabaho at successful na. Ang iba naman na nag-aaral pa ay hindi ko pa nakikita at nakikilala. O baka naman ay nakita ko na noon pero hindi ko na matandaan.
Umupo na ako sa bakanteng upuan na katabi kay ate. Pinapagitnaan ako nina at at Arianna. Umupo na din si Jason na nagkakamot na naman ng batok.
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya dahil feeling ko ay nauubos na ang pasensya ko sa kanya! Naku! Naaalibadbaran talaga ako sa pagkakamot niya ng batok niya.

YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :