Chapter 12- Chaotic as her mind

1.9K 33 0
                                    

10 minutes ang inidlip ko saka pa lang dumating ang aming instructor na mukhang nagmamadali. Ibinigay nya kaagad ang plate na dapat naming gawin sa asignatura na Architectural Graphics. Panibagong lesson na naman kung saan ang simpleng perspective na ginawa namin ay lalagyan na ng entourage o yung mga tao, puno at kotse.

Pagkatapos nyang ibigay ito ay nagpaalam na sya pansamantala ngunit babalik sya mamaya.

Ang apat na oras na klase ay nakakamatay na para sa ibang mag-aaral kung apat na oras din ang pagdaldal ng prof nila. Pero sa amin, ang apat na oras ay sapat na upang matapos ang aming plate para sa mga baguhan.

7 ang klase ko kaya 11 pa babalik ang instructor kong ito. Haynako. Magawa na nga lang.

Tapos na akong iplot lahat ng kailangan kong iplot nang mapansin ko si Ate Jessy na nakatitig lang sa tracing paper nya.

Ako: Ate, hindi mata ang ginagamit pangguhit. Sa huling chismis ko, kamay ang ginagamit

Jessy: hehe, wala Dianne. Ayos lang ako

Ako: Ate, may ayos ba na 30 minutes nang tuliro (pagsamahin ko kayo ni Dylan eh, parehong nakahithit ng katol)

Jessy: Dianne, may ikukwento ako sayo

At sa wakas, nagsimula na syang gumawa at maglabas ng kwentong gugulo din sa akin

Jessy: Naaalala mo si Johnny? Yung nagsoli ng techpen na naiwan ko sa room natin last month

Johnny? Johnny Bravo ba? ah si Johnny Cena? ah eh. Aha!

Ako: Yah, so what's with Johnny Bravo?

Jessy: Dianne! ah eh kasi ano, yung ano nga. kasi

Ako: Ate, hindi ako nag-aral para intindihin ang sentence na puro ano. Let me guest. Is there something smell romantic?

Jessy: Hindi kami no!

Ako: What?! I'm just asking if there's something romantic between you two? hindi naman ako nagtatanong kung kayo na no! ikaw ah, ikaw pala ang may itinatago sa akin!

Jessy: Wala no, kasi ganito yun, May pagka Mike Enriquez pala si Idol ta-

Ako: Oww, may term of endearment na kaagad kayo? Idol? bwahaha

Jessy: ehh kasi naman eh so eto na nga. Hiningi yung number ko and then nagtext sya, eh ako naman sumagot at doon na nagsimula ang lahat.

Ako: Ow-kay so, what's the problem?

Jessy: Nahulog ako sa

Ako: Sa kanal? bwahahaha. ate you are so clumsy!

Jessy: Dianne! hindi no, nahulog na ako sa kanya

Ako: Whaaaaat! agad agad

Jessy:Eh di pa naman ako sure sa nararamdaman ko pero ako mismoangumamin

Ako: Shakeys! pumaling yung linya ko, Jewell! peram ng blue na pambura

Jewell: eto o

Ako: salamaaatski! ate ano ulit yun? di ko narinig?

wika ko habang galit na galit na binubura ang pumaling na linya sa plate ko

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon