Chapter 36- War

957 15 2
                                    


"Let's break up"












Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng kumukulong muriatic acid.




"Anong sinabi mo?" malinaw man sa akin ay nais ko paring marinig. Pilit kong hinuhuli ang mata nya ngunit pilit nya itong inilalayo.



"I said, let's break up Dianne" Natulala na lang ako at hindi ko namalayan na umaagos na pala ang luha ko. Nakita kong nagulat sya ng makita nya akong umiiyak, ngunit ipinikit na lang nya ang kanyang mga mata.

"I-I don't believe it, kani-kanila lang, ang saya saya natin, right? You also said that you love me hours ago. W-what happend?" Mautal utal kong sinambit. Pilit ko paring inaalala kung saan ako nagkulang sa kanya. Inalala ko din kung may mali ba akong nagawa para maisip nya ito. Ngunit wala, wala akong maalala.

Umiling na lang sya saka nya ako tinalikuran. Sinubukan ko syang habulin ngunit masyado na akong mahina para kumilos pa.

May kamay na kumawak sa balikat ko at pilit akong pinigilan. Hindi ko na magawa pang tumayo. Palayo na sya ng palayo. Hindi man lang sya lumingon sa akin. Hanggang sa


"DIANNE!"


Napamulat ako ng mata. Nagulat ako at lahat ng kasamahan ko sa kwarto ay nakapalibot sa akin. Hawak ni Christy ang aking balikat habang ang iba naman ay nag-aalala. Napaupo ako at pilit kong hinabol ang hininga ko.



Panaginip. Panaginip lang ang lahat



Christy: "Dianne, binabangungot ka yata? kanina ka pa ginigising pero hindi ka magising. Paulit ulit mo ring binabanggit ang pangalan ni Dylan"

Napailing na lang ako saka ako yumuko at ipinatong ang ulo sa aking tuhod.


Bangungot. Bangungot iyon at ayokong mangyari iyon sa totoong buhay.


"Salamat" malungkot kong sinabi sa kanila. Bumalik na sila sa kani kanilang gawain at ako naman ay agad na bumaling sa aking telepono. Ngunit wala parin. Wala kahit isa.

Wala akong gana sa buong maghapon. Puro activities ulit ngunit hindi na masakit sa katawan. Tinuruan at binigyan kami ng mga tips kung paano gumawa ng isang matinong scale model mula sa mga alternatives na materials. Kagrupo ko ulit ang kasama ko at nakabuntot na naman si Nick. Ngunit masyado akong tinatamad sa araw na ito kaya hinayaan ko na lang sya. Napansin nila ang pagiging tahimik ko, ngunit hindi nila alam na may gyera nang nagaganap sa utak ko.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon