Chapter 41- Palawan

1.4K 20 2
                                    


"Mahal ko, maiiwan na tayo ng eroplano. Gumising ka na"





Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nanggagaling sa bunganga ni Dylan. Iminulat ko ang aking mata at tumambad sa akin ang isang gwapong nilalang. Ngumiti ako sa kanya ngunit pumikit ulit ako dahil isang oras pa lang yata ako natutulog.

"Mahal ko. Hindi mo ako makukuha sa pangiti ngiti mo dyan. Bumangon ka na at malelate tayo sa flight"

Nagpantig ang aking tainga sa aking narinig. Oo nga pala. Pupunta kamin PALAWAN!!!!

Agaran akong tumayo at tumakbo sa cr. Nagulat naman si Dylan sa aking biglaang pagkilos. Pagkatapos ng pag-aayos at pagligo ay lumabas na ako at tumambad sa akin ang isang masayang Dylan na kausap si mama.

Mama: "Mag-iingat kayo doon ha. Dianne, magpakabait ka. Huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Dylan, nakakahiya" sermon nya sa akin. Hindi ba dapat si Dylan ang sinasabihan nya ng ganyan

Ako: "Mabait naman ako ah" Singhal ko habang sinusuklay ang aking buhok sa harap ng salamin

Mama: "Eh kanina ka pa kaya ginigising ni Dylan"

Humarap ako sa kanila at saka ako sumugod kay Dylan. Naging abala ang kanyang mga kamay sa pagsalo sa mga palo ko

Ako: "Ito kasing mokong to! hindi kaagad ako nakatulog dahil kay baklang Shomba!"

Tawa naman ng tawa si Dylan habang si mama naman ay napailing na lang at lumabas ng kwarto

Dylan: "Eh bakit nanood ka pa, takot ka naman pala! hahaha"

Ako: "Eh nakakacurious eh!" palo ko ulit sa kanya. Napuno yata sya kaya hinawakan ang dalawa kong kamay saka ako tinulak pahiga sa kama. Ohno. Nakadagan na naman ang gwapong nilalang sa akin. Gulay

Dylan: "Alam mo kung ano yung mas nakakacurious?" tanong nya sa akin habang ako naman ay nalalasing na sa kawalan

Ako: "Malelate na tayo d-"

Hindi ko pa natatapos ang aking pangungusap ay siniil na nya ako ng halik sa labi. Nakakain yata sya ng kung anong matamis at naging matamis ang kanyang halik. Lumaklak din yata sya ng wine at unti unti ay nawala ako sa wisyo hanggang ang kamay ko ay naglakabay sa likod nya at huminto sa kanyang batok. Lalo yata syang ginanahan sa ginawa ko at mas lumalim ang kanyang halik.

Ako: "D-Dylan, maiiwan tayo" Halos bulong ko sa kanya dahil wala parin ako sa wisyo.

Huminto naman sya at humirit pa ng isang halik sa noo bago tumayo. Hingal kami pareho at hindi ko maiwasang mamula. Sa hiya ba o sa kilig. Letcheplan

Tumayo narin ako at hinawakan na nya ang aking kamay

Dylan: "De bale, sa Palawan na lang yung part 2" nabatukan ko sya dahil sa kanyang sinabi. Makalayo nya sa kanya kapag nandoon na kami.

Nagpaalam na ako kay mama at hindi ko maiwasang malungkot. Pero mukhang okay lang naman sya noong iwan namin. Weird.

Si Mang Ben ang nagdrive ng sasakyan dahil hindi pwedeng iwan na lang ang sasakyan ni Dylan basta basta. Baka hindi pa kami nakakalipad ay wala na itong side mirror.

Ako: "Sila tita, Dustin? hindi ba sila sasabay?"

Umiling si Dylan saka nya hinalikan ang likod ng kamay ko

Dylan: "Saan ka nakakita ng Honeymoon na kasama ang magulang?" namula ako sa sinabi nya ay biniyayaan ko sya ng malakas na batok. Napansin ko naman ang pagngiti ni Mang Ben sa rear mirror na masayang sinusulyapan kami

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon