Chapter 84- Her side

1.6K 25 2
                                    

"Good morning!" Nagulat ako nang sya kaagad ang bumungad sa akin. Alas-sinco pa lang nang umaga pero gising na sya at sinisimulan na naman ang pagbulabog sa akin.

Tumango lang ako at dumuretso na sa sofa nang maitali ko ng matino ang sintas nito. Naupo naman sya sa isa pang sofa at itinali rin ng mabuti ang sintas ng kanyang sapatos. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang braso habang ginagawa ito. Napakagat na lang ako ng labi at pilit na binale wala iyon.

Hindi ko alam ang balak nya pero nararamdaman kong tatakbo din ito tulad ng balak ko.

"Mahal ko, you can touch my biceps if you want to" Mapanglilang na anyaya nya sa akin. Tinaasan ko na lang sya ng kilay at tumayo na. Sumunod naman sa akin ang panget nyang aso na tinatawag kong mokong.

Ako: "You know what Alexander" Sasabihin ko sanang ang kapal ng mukha mo pero naalala ko na kaaway ko nga pala ito. He's calling me 'Mahal ko' again. Shit

"Whatever" Napa-irap na lang ako at naglakad na papalapit sa pintuan.

"Mokong, let's go" Tawag ko sa aso. Sumunod naman sya, pero sumunod rin ang isa pang mokong. Letche.

"At bakit ka naman sumusunod?" Mataray kong tanong sa kanya. Naligaw na naman ang mata ko sa hubad nyang katawan. Ang lamig lamig ng klima pero gustong gusto nitong binabalandra ang katawan nya.

Dylan: "Magjojogging din" Binuksan ko na ang pintuan at lumabas na ng villa.

Hindi ko na sya pinansin at tumakbo na ako. Hawak hawak ko naman ang tali ni Mokong habang sinasabayan ako sa pagtakbo. Wala naman akong magagawa. Isang linggo na nya akong kinukulit, at hindi na sya tinatablan ng kasungitan ko dahil sa kakapalan ng kalyo nya sa mukha.

Awang awa ako sa kanya noong naki-usap sya sa akin na huwag ko syang iwan. CEA rather. Pero pinangunahan parin ako ng pagkatayog tayog kong pride at binale-wala iyon.

Hindi biro ang pinagdaanan ko sa loob lang ng isang linggo. This man never fails to make my life miserable.

"Hello" Walang gana kong sagot sa isang unknown number na tumawag sa akin.

"Dianne?" Nanglaki ang mata ko at napabangon kaagad ako sa kama. Its Dylan's mother.

Ako: "Ti-Mrs. Cortez, Good morning!" Kabado kong bati sa kanya.

Tita: "Uhmm, Dianne, we really need your help. Sana ay tulungan mo kami" Napakunot ang aking noo. Help? what help?

Ako: "Mrs-" Nagdadalawang isip ako kung papayag ba ako o hindi.

Tita: "Please, Alexander needs you. Nasa St. Luke's Hospital kami" Nalaglag ang panga ko nang marinig iyon.

Ako: "Sino pong nasa hospital?" Medyo bangag kong tanong sa kanya.

Tita: "Alexan-" Hindi ko na sya pinatapos at tumayo na ako patungong banyo. Buti na lang at nasa condo ako at madali akong makakarating doon.

Hindi ko alam kung fiesta ba sa ospital at napakaraming tao. Nahirapan tuloy akong magtanong kung saan matatagpuan ang lalaking iyon. Hindi ko na macontact si tita kaya hindi na ko magkanda ugaga.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon