Chapter 33- Dylan

1.3K 19 2
                                    


Nakatingin ako sa aking refleksyon sa salamin at napagtanto kong marami na palang nagbago sa akin. Nakalugay ang dati kong naka-pony na buhok. Isang itim na dress ang suot ko sa halip na t-shirt at pantalon. At ang rubber shoes ay napalitan ng sapatos na mataas at hindi ko alam ang tawag doon. Sa araw na ito ay lalabas kami ni Dylan para sa isang date kaya pinilit kong magising nang maaga mula sa isang linggo kong paghihibernate sa kwarto. Malapit nang magpasukan kaya minabuti kong mag-ipon ng tulog habang nagtungong tagaytay sila Dylan. Pinilit nya akong sumama ngunit mas pinili ko na lang na magpahinga sa bahay.

"Dianne, nasa labas na si Dylan"

Humarap ako sa aking ina at tumango. Lumapit ako sa kama upang kunin ang pouch na nahiram ko pa sa aking pinsan. Ayoko namang magbaon ng backpack sa isang date.

Lumabas ako at nagpaalam na kay mama. Naaaninag ko na si Dylan mula sa labas. Hindi ko makita ng ayos ang mukha nya dahil malabo ang aking mata. Lalo tuloy nagkagulo ang mga paru-paro sa akin tyan

Tuluyan na akong lumabas ng bahay at sinalubong naman ako ng isang Dylan na sabik na sabik akong makita dahil sa isang linggong hindi namin pagkikita.

"Mahal ko!" hindi pa ako nakakalapit ay dali dali na syang lumapit sa akin at yinakap ako ng mahigpit. Hindi ko man sabihin ay nakakamiss din pala ang presensya ng taong ito. At halatang pinaghandaan nya dahil mas lumitaw ang pagiging gwapo nya, o dahil nakatulog lang ako ng matino kaya na-appreciate ko ang kanyang itsura.

Dylan: "Namiss kita!"Masigla nyang bati

Ako: "Well I don't" lumayo sya ng kaunti para maharap ako at sumibangot sa akin

"Joke lang"

Lumitaw ang kanyang ngiti at saka ako pina-ulanan ng halik sa mukha. Sana pala ay hindi ko na lang binawi. Nagulat ako ng may maliit na kamay ang humawak sa aking binti at pinaghiwalay kami ni Dylan. Napayuko kaming pareho at nagulat ako sa aking nakita.

Binabawi ko nang gwapo si Dylan dahil may mas gagwapo pa pala ang kanyang kapatid. Naka-itim na long sleeves ito at mas lalong lumutang ang pagiging maputi nito. Napangiti ako at yumuko para makapantay sya

Ako: "Dustin!" lumaki ang ngiti nya at mas lalo syang naging cute sa paningin ko

Dustin: "Girlfriend Dianne!" at yumakap sya sa akin

Napatingin ako kay Dylan na nanatiling nakakunot ang noo habang nakatayo

"You left me, I thought you are kuya that's why I hug him"

Ako: "I'm sorry, but really have to go that's why I left you"

Dylan: "Pstt, Dustin that's enough. We have a deal right?!"

Tumayo ako ng ayos ngunit humawak naman sa kanan kong kamay si Dustin

Dustin: "I know kuya"

Dylan: "But why did you call her girlfriend? I told you, she's my girlfriend"

Dustin: "Whatever kuya" umirap ito kay Dylan saka ako tiningala at ngumiti. Napangiti naman ako sa kanya

Dylan: "Haist! bakit ka ba kasi sumabit pa! Shaykeys, halika na nga mahal ko" lumapit sya sa akin at hinatak ang isa ko pang kamay. Nagpatianod na lang aking dalawa ni Dustin at naguguluhan na ako sa mga nangyayari

Binuksan ni Dylan ang pintuan para sa backseat at binuhat si Dustin para maisakay. Magrereklamo sana si Dustin ngunit agad namang isinara ni Dylan ang pinto. Hinatak naman nya ako pasakay sa passenger seat at saka sya sumakay sa driver seat

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon