"Architect, nasa labas na po si Sir Darius. Kanina pa po naghihintay"
Ibinalik ko sa loob ng box ang natagpuan kong lumang litrato namin ni Dylan noon. Hindi ko malaman kung bakit nandirito parin ito matapos lumipas ang mahabang panahon. At kahit matagal na, masakit parin at malinaw parin sa akin lahat ng pangyayari. Simula noong dumating sya hanggang sa araw araw na pangungulit nya, lahat iyon maliwanag parin sa aking isipan.
Bumaling ako kay manang at tumango. Nakakaasar, kung hindi ko lang kaibigan si Ate Jessy, hindi ako maghahalungkat ng lumang plate ko noon sa aming basement at kung ano ano pa ang nakikita ko.
Huminga ako ng malalim at inilock ang basement, malamang ito na ang huli kong pagpasok sa kwarto na ito.
Umakyat ako patungong sala at nasilayan ko ang isang matipunong lalaki. Malakas ang dating at halatang mayaman. Nakadekwatro sya sofa habang pinaglalaruan ang kanyang susi. Nabaling ang atensyon nya sa akin nang makalapit ako sa kanya. Mula sa isang inip na mukha ay nagbago ito, tila umaliwalas ang kanyang mukha.
"Darius"
Tumayo sya at inabot sa akin ang isang bouquet ng pulang rosas, Ngumiti ako sa kanya bilang pasasalamat sa maliit na bagay na ibinigay nya sa akin.
"Architect!"
Masayang bati nya saka ako niyakap. Sanay na ako sa ganitong gawain nya tuwing nag-aaya sya ng date. Wala naman akong magawa dahil malakas sya sa boss ko. Isang paalam nya lang at pwede na akong mag-gala kahit may trabaho.
Di nag-laon ay kumalas din sya sa yakap. Hindi mabura ang ngiti sa kanyang mukha
Darius: "You know what, araw- araw na lang kaya kita ayaing magdate?, nang madalas kong makita yang mailap mong ngiti. Hahaha"
Ako: "Darius, maghihirap ako kung palagi mo akong itatakas sa trabaho"
Darius: "No Architect, kahit hindi ka na magtrabaho, kaya ng pera ko ang sampung anak"
Ako: "Engineer Darius, I guess hindi ako yung babaeng iyon na gusto mong gawing ina ng sampu mong anak"
Darius: "Hahaha. okay, kahit lima, okay na ako doon"
Ako: "Whatever Darius, umalis na nga tayo"
Darius: "Yes Boss"
Lumabas na kami ng bahay at nasilayan ko na naman ang kakambal ng sasakyan ko. Isang itim na Audi TT ang kakambal ng aking pulang Audi TT. Hindi pinagplanuhan, sadyang nagkapareho lang.
Ako: "Saan ba tayo pupunta?"
Darius: "You'll see Architect"
Ako: "Please, huwag sa mga amusement parks, naka-hills and dress ako ngayon"
Darius: "Trust me Architect! mukhang pinaghandaan mo ang date natin ngayon ha"
Nagsimula na syang magdrive habang ako naman ay umiwas na lang ng tingin.
Ako: "Wala na akong masuot, no choice"
Darius: "Wow ha! paano kapag wala ka na talagang masuot?" Tumaas baba pa ang kanyang kilay habang nakangising nagmamaneho
Namula naman ako sa sinabi nya, this is wrong. Kailangan ko nang pigilan ito kung gusto kong isalba ang sarili ko
Ako: "You perv!"
Darius: "Hahaha, wala akong ibang ibig sabihin doon Architect, you are too hmmm. Mukhang matutuloy ang sampung anak ko ah"
Ako: "You shut up Darius! hindi ba pwedeng busy lang ako sa trabaho at wala na akong panahon pa para mag-shopping"
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
Lãng mạnMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...