Chapter 14- Round 1

1.7K 27 2
                                    

"Okay Class, please pass your plates to Ms. Santiago"

Nagulat ako nang ipapasa na nang Instructor ang plates na hindi ko maalala kung paano ko natapos ito. Humaygulay

"And Ms. Santiago, maiwan ka saglit"

Pilit kong ibinabalik ang utak ko sa tama nitong sistema pero hindi ko na nagawa pang sumagot sa Instructor namin dahil nagsuguran ang mga katklase kong kating- kati nang lumabas. Kinailangan ko pa tuloy ilabas ang pagiging Boss achuchuchu ko para lang ayusin nila ang pagpapasa sa akin.

Halos paubos na ang tao sa room pero nagulat ako noong "ang maayos na plates na ipinasa ng aking mga classmates" ay mahulog at nagkagulo gulo ito. At ngayon tatawagin ko itong " Magulong plates na sinalanta ng isang bagyo na nagngangalang Anna"

Ayokong magalit sa isang kaibigan pero ngayon nais kong maging Hulk na kulay Red sa galit at inis. Hindi ko maintindihan kung bakit ipapasa mo na lang nang maayos eh hindi mo pa magawa

Tinitigan ko sa mata si Anna ngunit yung mabait pa na Dianne ang nakikita nya. Pero sumirit na ako dahil sa napakagandang pagpapakumbaba nya.

Anna: "Ooops, sarrre Dianne, medio nagulo ng konti, ayusin mo na lang ah!"

Umirap muna sya saka nag-walk out sa room. Hindi man lang hinintay ang traspormation ko. Asaaaaaaarrrr!!

Sa sobrang pagkaburyo ko sa pangyayari, pinulot ko na lang nang padabog ang mga plates. Huminahon naman ako noong nagsalita ang Instructor ko na nasa room pa pala.

Instructor: "Ms. Santiago, bakit galit na galit ka yata sa mundo?"

Huminga na lang ako ng malalim at ngumiti sa kanya

Ako: "May umutot po kasi sa mga katklase ko eh, hindi man lang ako ininform. Hindi tuloy ako nakapaghanda"

Instructor: "Hahaha, Ms. Santiago, palabiro ka talaga. Pero may kailangan akong ipagawa sayo."

Lumapit ako sa kanya at ibinigay ko ang mga plates.

Ako: "Ano po ba yun?"

Instructor: Ipaxerox mo ito at ibigay mo sa mga classmates mo. Ito ang magiging final plate nyo.

Ako: "Ah, ok po"

Inihanda ko na ang gamit ko at lalabas na sana ako nang magsalita sya ulit

Instructor: "Wait Ms. Santiago. I have something to tell you"

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon