Chapter 44- Mrs.

1.2K 21 3
                                    



May lumabas na puting papel sa kanyang bulsa. Nanginginig ang kanyang kamay habang binubuklat ito. Magkaharap kaming pareho ngayon at hindi ko maintindihan ang nadarama ko. Ganoon din siguro sya.

Tuluyan nang bumuhos ang aking luha dahil sa kanyang kakagawan.

"Hey" Panimula nya. Malapit nang mabasag ang kanyang boses

"I know na isa lang itong kasal kasalan. Totoo pero walang papel. But my feelings for you are real, walang bahid ng kahit anong plano. The very first time I saw you, I knew it, I knew na mababago ang lahat sa buhay ko. I used to wake up just because I needed to, I smile to show them that I'm okay. Nabubuhay ako dahil pakiramdam ko, kailangan ko. There's no clear direction. I guess, I lost my soul somewhere along the way"

Huminto sya dahil nag-unahan nang bumagsak ang kanyang mga luha. Ganoon din ang mga tao sa paligid namin. Hindi ko maiwasang matawa sa kanila habang umiiyak. Lalong lalo na kay Dylan. Pinunasan ko sa pamamagitan ng aking darili ang kanyang luha na nag-uunahan sa pagbagsak.

"But like what I've told you, I found my soul when I met you. Bumabangon ako na may dahilan, ngumingiti ako dahil nakakasama kita, naging malinaw ang bawat plano sa buhay ko. And I can't imagine myself one day without you. From this day, I'll be the most understanding, most loyal, most handsome and the hottest husband in the world"

Kahit walang humpay ang pangsinghot ko dahil sa pag-iyak ay nagawa kong tumawa sa kanyang biro. Pinalo ko sya sa dibdib at natawa din sya


"I will always love you. Dianne"


Tinapos na nya kaagad ang kanyang vow at saka inilapit ang mukha sa aking tainga

"Mamaya na yung iba" Natawa ako sa kanya. Nagawa nyang pakasalan ako ng biglaan pero hindi nya masabi ang gusto nyang sabihin sa harap ng maraming tao. Napatingin naman ako sa kanila at halatang nabitin sila sa sinabi ni Dylan.

Nang turn ko na ay gumulo na ang sistema ng utak ko, hindi ako handa.

"Uhmm" Nakangiti parin sya sa akin kahit hirap na hirap ako sa kakaisip. Pumikit ako at saka ako huminga ng malalim

"You know Dylan, palagi mo na lang ako binibigla" Nanglaki ang mata nya at nawala ang kanyang ngiti

"Simula noong makilala kita, palagi na lang nagugulo ang sistema ko. Yung tahimik kong buhay, ginulo mo. Yung utak ko na puro plates lang ang laman, ngayon puro pagmumukha mo na. Alam mo ba kung gaano kahirap na alisin ka sa sistema ko?" Unti unti na syang ngumiti

"Ngayon hindi ko na alam kung paano mabuhay nang walang nanggugulo sa akin. Walang Dylan na nanggigising sa akin, walang Dylan na naghahatid sundo sa akin, walang Dylan na galante, walang Dylan na nagtuturo sa akin ng Calculus, at walang Dylan na syang dahilan kung bakit nagmukha akong tao. You ruined my life"

Nalaglag lahat ng panga ng mga taong nakarinig ng aking vow. Sa halip kasi na maging malambing ito ay naisumbat ko ang lahat kay Dylan. Pero si Dylan lang ang nakakaintindi sa akin. Malaking ngiti ay iginawad nya sa akin.

"But you know what, kahit nademolish ang sistema ko. Pakiramdam ko ay nakumpleto ako. Nagkaroon ng kulay ang buhay pag-ibig ko. I learned how to smile kahit pang-aasar na ang ginagawa mo. Natutunan ko na sa kabila ng nakaka-stress na buhay ko, may rason para ngumiti. Gulay, this is so cheesy. Mamaya ko na lang din sasabihin yung iba" Nagtawanan ang lahat. Well, I hate saying cheesy stuffs, mas gusto kong ipakita na lang iyon sa gawa.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon