"Architect, may naghahanap po sa inyo" Nakuha ng isang trabahante ang aking atensyon. Kumunot ang aking noo habang pinag-iisipan kung iiwan ko ba ang planong nasa harapan ko.
Ako: "Sino daw?" Tanong ko sa kanya.
T: "Engineer Darius daw po" Napatingin na ako sa kanya. Napabuntong hininga muna ako bago tumango sa kanya.
Nagtungo na ako sa entrance ng site at doon ko nakumpirmang nandoon nga si Darius. Talagang desidido sya huh.
Ako: "Anong problema mo?" Nakakunot ang noo kong tinanong siya.
Darius: "Iyan ba ang isasalubong mo sa akin?" Nagtatampong singhal nya sa akin. Binatukan ko naman sya.
Ako: "Anong gusto mong gawin ko? tumakbo papalapit sayo at saka ka paulanan ng halik? in your dreams bro" Sinenyasan ko sya na sundan ako papasok. Napunta naman sa site ang atensyon nya.
Darius: "Marami pa palang gagawin dito? akala ko ba minamadali ni Dylan?"
Ako: "Minamadali na yan, pero ganoon talaga eh" Sagot ko habang naglalakad parin pabalik sa planong iniwan ko.
Darius: "So, hindi ka pala talaga agad makaka-alis dito?" Huminto na ako sa paglalakad at hinarap sya. Tumingala din ako tinitingnan nya.
Ako: "Yes. Dalawang buwan pa lang kami. Maraming araw pa ang kailangan. Ewan ko ba naman kasi sayo kung bakit atat na atat ka nang lisanin ang CEA" Napailing na lang ako at muling nagsimulang maglakad.
I don't want to blame him sa pagkaasar ko. Pero sadyang naaasar lang ako sa taong ipinipilit ang bagay na hindi pa napapanahon. Alam kong niplano namin ito, pero hindi lang talaga ngayon.
Nang marating ko na ang table ay ibinalik ko ang atensyon doon. Dapat bukas ay masimulan na namin ang phase 2. Tinawag ko si Timothy upang lumapit sa akin.
Ako: "Engineer. Sa tingin mo pwede na nating simulan yung phase 2 bukas? wala si Engineer Cortez kaya hindi ko alam" Tanong ko sa kanya. Tumango naman sya sa akin.
Timothy: "Yes Architect. Nakausap ko narin si Engineer Alexander about it" Tumango tango naman ako sa kanya.
Ako: "Sige. Thank you" Tumango naman sya saka dahan dahang umalis. Tinitingnan nya pa kasi ang lalaking kasama ko. Nang makilala nya kung sino iyon ay nagtanguan ang dalawa. Lumapit naman si Darius sa tabi ko.
Darius: "So, wala pala dito ang ex mo?" Wala ang Dylan dahil sa isang emergency meeting sa CEA. Kung ano mang problema iyon ay wala akong alam.
Ako: "Yes, you're freaking lucky Darius" Natawa naman sya sa aking sinabi
Darius: "Anong akala mo sa akin? natatakot sa kanya? Haha" Napailing na lang ako. Ayoko nang pag-usapan kung ano mang kompetisyon ang namamagitan sa kanilang dalawa.
Pagkatapos ng trabaho ko ay nagtungo na kami sa kainan na madalas naming pinupuntahan. Magkahiwalay kami ng sasakyan dahil hindi ko alam na susulpot sya ngayon. Nanghinayang tuloy ako sa gas.
Darius: "Nakakuha na kami ng lot para sa tatayuan ng firm. Maganda iyon dahil nasa isang corner lot sya along the busy street of BGC" Tumaas ang kilay ko, iba talaga ang koneksyon ng taong ito.
Ako: "Paano mo nakuha iyon?" Ngumisi sya sa akin.
Darius: "Well, idedemolish na yung dating nakatayo doon. Buti na lang at kaibigan ko ang dating may ari nung lot kaya binili ko kaagad bago pa ako maunahan" Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...